First Tale: Ako si Perry Tale

468 21 6
                                    

Today is Monday at kakatapos pa lang ng flag raising ceremony. Papasok na kami sa mga classrooms namin.

"Good morning class!" Bati ni Miss Ynna Figuracion, ang napakaganda at napaka sexy naming physics teacher and adviser.

"Good morning Miss Ynna!" Bati namin pabalik sa kanya.

"Ang saya agad ng umaga ko." Ani Cloud sabay sulyap kay Miss Ynna na kinuha ang class record nya.

"Same here!" Sabi naman ni Gabby at nag apir pa sila.

Magaling mag turo si Miss Ynna, ang cool nya. Kaya crush sya ng dalawa kong mokong na kaibigan.

"Okay.. Jea Albuera?"

"Present Miss!"

At eto ang pinakaayaw ko tuwing umaga eh. Ang class attendance roll call.

"Cloud Sales?"

"Present!"

"Gabby Santos?"

"Present!"

"Perry Tale?"

"HAHAHAHAHAHA!" Lecheng tawanan ng mga classmates ko.

"Class quiet! Perry Tale?" Ulit ni Miss Ynna.

"Present Miss!"

Tinapos nya ang attendance at nag umpisa na kaming mag-klase.

Nakakabadtrip! Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay hindi naman ganyan ang nangyayari. Ewan ko ba kung bakit naiisip ni Miss Ynna na mag roll call, usually kasi tinitingnan nya nalang ang vacant seat para malaman kung sino absent. Trip siguro akong pag-tripan ni Miss Ynna ngayon. Sana hindi na ganito ang mangyari sa mga susunod na subject.

Next class is Geometry kay Sir Bondoc. Masaya ako at walang calling of names for attendance at malungkot din ako at the same time dahil hindi ko naperfect ang quiz.

"Nakakabadtrip na x and y yan! Lecheng Rene Decartes!" Pag aalburuto ko.

"Ang drama mo dre! Isang mali nga lang ang nakuha mo eh. Eh ako? Lahat mali!" Sabi ni Gabby sabay punit ng papel nya.

"Basta ako masaya na ako sa 10/20 at least nangalahati ang score ko. Hahaha!" Masayang sabi ni Cloud.

Dumiretso na kami ng canteen para mag-recess. Pero puno na agad ito at wala na kaming mauupuan. Tsk!

"Perry! You can sit here!" Ang sabi ni Jea sabay palo sa tabi nya. Pumunta naman kaming tatlo dun at buti nalang at nagkasya pa kami.

"Hi Cloud! Hi Gabby!" Ang sabi ni Elena. Na friend ni Jea at kaklase din namin. Inirapan lang sya ng dalawa.

"You two are really mean." Sabi ni Jea.

Bumili na kami para makakain. Thirty minutes lang kasi ang break time namin eh.

Mabait si Jea pero medyo maarte dahil nahahawaan sya ni Elena. Bff kasi sila eh. And Jea.. She likes me. But I already like someone else.

"Alexis dito!" Tawag ng isang boses at nilingon ko ang tinawag nya.

Nakangiting lumapit si Alexis sa mga kaibigan nya at masayang nakipag usap sa kanila.

"Staring is rude." Sabi ni Cloud na nagpabalik sa reyalidad ko.

Grade five pa lang kami ng lumipat si Alexis sa Elementary school na pinag aaralan ko. At tinamaan ako.

Love at first sight , ika nga.

Perry Tale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon