Third Tale: Hi Perry!

282 11 0
                                    

Grabe! Leche flan! Halos isang oras na akong naghihintay! Ang tagal nila! Anong klaseng mga kagrupo ba yun?

Maitext nga!

To: Ulap Pre, ano ba? San na kayo? Punyemas!

Ang tagal pa mag-reply. Banas!

From: Ulap

FFTB. Alas dos pa lang! Wag kang excited! 3pm pa usapan!

ALAM KO NAMAN! Masama bang ma-excite? Simula Grade 5 ngayon ko lang magiging kagrupo si Alexis eh. Paki nya ba?

To: Ulap Paki mo ba? Tsk!

Badtrip! Oo na, kanina pang ala una ako dito. After lunch kasi dumating na agad ako dito sa parke kung saan kami magpa-practice.

*One hour later*

"Hi! Ikaw pa lang ba?" Sheeet~ Boses pa lang alam na.

Gusto ko sanang sagutin ng: Hindi hindi, may kasama ako. Invisible lang. Kaso hindi pwede! Pag ibig ko 'to eh.

Baka mapektusan pa ako or worst baka bastedin agad ako kahit hindi pa ako nanliligaw.

"Ah. Oo eh." Pa-cute kong sabi kahit hindi na kailangan kasi gwapo na ako.

"Ahh." Sabi nya pa sabay tango at.. at.. at umupo sa tabi ko.

Woooo~ God is very very good. Isang bagsakang biyaya ang napapala ko ngayon.

Tahimik lang kami pareho. Pero yung puso ko nagko-concert sa lakas ng tibok! Love it is. Sya nakatingin sa mga batang naglalaro ako naman, syempre! Nakatingin sa kanya.

Yung feeling na, sitting next to you without doing anything is already a fairytale.

1message received From: Gabby Dre, otw na kami ni Cloud.

Putapets! Sana wag muna sila makarating. Sana traffic. Sana. Kahit sa ikalawang kanto lang ang layo ng bahay nila dito sa park.

To: Gabby Wag muna kayo..

"We're here!" Leche flan! Magrereply pa lang sana ako na wag muna silang pumunta eh.

Banas!

"Hi Alexis!" Bati ni Cloud sa Pag ibig ko. Tsk! Ang sarap nitong ihagis sa ulap. Badtrip!

"Hi!" Bati naman pabalik ni Alexis.

"Ulap!" Tawag ko kay Cloud. At alam na nya ang ibig kong sabihin.

At buti naman at itinigil na ni Cloud ang balak nyang pagkausap kay Pag ibig.

"Usog." Sabi ni Gabby sabay smirk at upo sa tabi ko.

Salamat God at ang talino ni Gabby ngayon! Naisip nya 'to.

Magkadikit na ngayon ang mga braso namin ni Alexis. Damn fine! Mas naaamoy ko na rin ang pabango nyang PINK by Victoria's Secret.

"Ayos din." Sabay sabi ni Ulap at ngumisi.

Kanina pa nagpapa-cute si Cloud sa mga taga ibang section, na nagpa-practice din ng aerobics pero syempre, all eyes are on me. Bakit? Dahil gwapo ako.

But my eyes.. Are already locked at Alexis.

Yun oh!

Nasabi ko na ba sa inyo na hearthrob ako sa school? Hindi pa? Kakasabi ko lang!

"Hi Perry!"

"Gwapo mo talaga Perry!"

"Perry, pa-kiss!"

Sabi ng mga babaeng may crush sa 'kin at nagsingisihan sila.

"Kiss ko? Ayaw nyo?" Singit ni Cloud. At yung tatlong babae ay halos himatayin sa kilig.

"Hahahaha!" Tawa ni Alexis. Damn! Her laugh is like a music to my ear that I want to get lss with.

"We're here!" Sabay na sabi nina Jea at Elena.

"Great! Let's get started." Sabi ni Gabby sabay tayo.

First is we have to make three pairs. And.. Alam nyo na kung pa'no ang pairing.

Gabby and Jea. Kahit na ako ang gusto ni Jea, pero.. May secret akong sasabihin ah.. Gab has a secret love for Jea since first grade pa. Opo, magkaka-klase kami.

Cloud and Elena naman ang partners na ayaw sa isa't isa kaya ngayon ay nag babangayan.

At syempre! Kami ni Alexis ang meant to be.. Este ang partners. Love, love, love.

"Ouch naman!" Daing ni Elena ng nagkadikit ang siko nila ni Cloud.

"Arte nito! Nadikitan lang ouch agad. Bigwasan kita eh." Badtrip na sabi ni Cloud.

Hanggang sa puro umpisa lang steps aerobics steps dahil nag away na sina Cloud at Elena. Pero para sa 'kin at kay Gabby. AYOS LANG!

Syempre ka-partner namin ang mga Pag ibig namin.

"Sorry kung hindi tayo natapos sa aerobics natin ah." Sabi ko kay Alexis habang naglalakad na kami pauwi. Sabay kami.

Sabay sabay kami. Kala nyo kami lang? Kala ko rin eh. Tsk!

"Okay lang. At least may nabuo pa rin tayong steps. I-polish na lang natin sa Friday." Aniya ni Pag ibig.

"Leche ka talaga! Dun ka nga!" Sabay tulak ni Elena kay Cloud at natulak nya rin si Jea kay Gabby. At nagtulakan na sila pauwi.

Kami ni Alexis? Gumulong.

'Di joke lang. Haha! Tawa kayo. Joke eh.

Naglakad kami pauwi ng nakaholding hands.

In my dreams. =))

Naglakad lang talaga.

Perry Tale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon