Chapter 12: Hindi po siya akin!

41 1 0
                                    

Bago po ang lahat, gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbasa ng story na ito. Ngayon lang po ako magpapasalamat kasi hindi ko alam kung tatangkilikin nyo pa ito. Maraming maraming salamat sa inyo.

Pati na rin pala sa mga nag-add ng MBMB sa reading list nila. Thank you.. ^^

Kung may tanong kayo, feel free to comment.

THANK YOU...!!! (Choosss)

_______________________________________________________________________

12

Sinimulan ng makulit na si Emman ang kanta.

‘Happy birthday to you (2x).

Happy birthday, happy…’

“Ano ba ‘yan ‘tol. Wala na bang iba? Happy birthday? Hahahaha.” komento ni Peter sa nakakatawang simula ni Emman.

“Bakit ba sa yun ang gusto ko eh. Sige na, wala ka lang alam na isusunod. Talo ka na Pete.”

Happy!?”

‘Happy! Sha-la-la.

It’s so nice to be happy. Sha-la-la…’ kanta naman ni Peter with matching sayaw pa.

“Hoooo, kala mo ako lang di marunong, pati pala sya.” pabulong na sabi ni Emman pero rinig namin kaya nagsi-tawanan kami.

“La…” sabi ni Leah.

‘Lapit sa akin.

At huwag matakot ka.

Papawiin ang luha.

Ulan…’

‘ulan…

At sinong si mapapasayaw sa ulan,

At sinong si mababaliw sa ulan

Tatawa na lamang, at bakit…’ banat naman ni Seth.

‘Bakit ngayon ka lang.

Bakit ngayon kung kelan ang aking pusoy meron…’ kanta ni Rosa.

Biglang napatingin si Seth kay Rosa. “Wag mong sabihing may iba ka na?” sabi nya na parang naiiyak pa.

“No, I’m not.” she smile sweetly. “Oh, sige na.! ‘Meron’.”

‘Leron leron, Sinta… Buko…’ pabirong kanta ni Jasper kasama ang palakpak.

“Hoy meron! Hindi leron.” sabi ni Carl, sabay batok.

“Bakit ba wala ako ma-isip eh.” palusot ni Jasper.

“Talo ka na.” pamimikon ni Carl.

“Oo nga. Sige na.” sabay sabay na sabi ng magbabarkada.

He accepted that he lose the game. Kinuha nya yung baso at sinabing…

“Truth muna mauna.” sabi ni Jasper. Hah? Paanong truth yung una, so dalawa ang parusa? pagtataka ko.

“Okey. Ako magtatanong!” excited na sabi Emman.

“Okey, go ahead.” paubaya ni Jasper.

“Who was you first bed partner?”

The END of LOVE (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon