Chapter 7: The 'date'

43 1 0
                                    

7

Nandito pa rin ako naka-upo sa coffee shop. Dinadigest ang sinabi ni Iñigo sa akin..

Mamaya hah!... may DATE ta’yo…

O Mee Gee.. Ano ba yung sinagot ko? Teka pumayag ba ako? Oo, kasi ako una nagyaya.. Ano ba yan. Napasubo ata ako doon hah. Grrr, kainis… Kaming dalawa lang? Paano na ‘yan? Ang… AWKWARD…

Pero bakit ba ako nag-alala. Hindi nya naman alam na may gusto ako sa kanya… Teka, sinabi ba ng isip ko na may gusto ako sa kanya?

“Ahhhhhh, hindi! Wala, wala akong gusto…” bigla akong napatayo at napasigaw sa kina-uupuan ko.

“Ma’am okey lang po ba kayo? Ayaw nyo po nitong order ng kasama nyo?” sabi nung waiter na naghatid ng pagkain na i-norder ni Iñigo.

Napatingin ako sa kanya… at sa konting tao sa shop. Damn! Nasa labas pala ako. Nakakahiya. Lord, ba’t ganito.

“A-ah, ilagay mo na lang sa table. Salamat.” ngumiti ako at nag-bow. Nag-thank you ang waiter at umalis.

Tinignan ko yung pagkain na nasa harap ko. Puro sweets. Ang alam ko di sya masyadong kumakain ng sweets. Para sa akin ba ‘to lahat?

Ang alam ko rin, na alam nyang pag-wala akong gana kumain, eh, puro sweets ang hinahanap ko.

Tignan mo tong taong ‘to. Pa’no ako mag-mo-move on nyan, eh ang sweet sweet nya. Ayaw ko namang sumali pa sa relasyon nila ni Caroline. Ano ako mang-aagaw? Hmmpp…

Assuming ka naman masyado girl. Pa’no kung bilang kaibigan lang pala talaga ang tingin nya sa’yo. Oh, di napahiya ka naman. Basta wag ko na lang bigyan ng kahulugan ‘to.

Kumuha ako ng chocolate cake sa mga inorder nya. Sumubo at nag-isip ulit habang nilalasahan ko yung cake. Pero isang salita lang talaga ang nasa isip ko ng mga oras na ‘to.

DATE.

Hindi ko namalayan, dahil na rin siguro sa sunod sunod na pinapagawa sa akin, sa lalaking bagong salta, at sa date kaya malapit ng mag-8 ako nakalabas ng department.

Masyado namang tahimik dito. Nakakatakot. Medyo kinikilabutan na ako.

Papunta na ako sa elevator. May konti pa naman akong nakikitang ilaw kasi 9pm pinapatay ng security personnel ang power source.

Habang naglalakad ako, feeling ko may sumusunod sa akin. Creepy. Parang kanina pa talaga ito sumusunod ah. Tinignan ko yung likuran ko pero wala akong nakita. Naglakad ako ulit at dahan dahang tumingin sa likod pero wala talaga.

Malapit na ako sa elevator, pagkabukas nito ay agad akong pumasok. Pagkapasok ko bigla akong napasigaw…

“AAAAHHHHHH…!!! Aaammmpppp...” may biglang tumakip sa bibig ko at nagsalita.

“Tumigil ka nga. Kala mo naman nakakita ng aswang. Hoy! Sa gwapo kung ‘to pagkakamalan mo akong aswang? Aba, sa lahat siguro ng… Aray! Ba’t ka nangbabatok.” sabay himas sa parte na sinaktan ko.

“Are you crazy? You want me to die?!! Gusto mo yata ako patayin sa sakit sa puso eh.” sabay palo sa kahit anong parte ng katawan nya.

“Ouch…! Oh… Ah… ahh.” hinawakan nya ang dalawang kamay ko para pigilan sa pamamalo. “Tumigil ka na hah. Masakit na kaya. Di ko naman alam na matatakutin ka pala. Kala ko matapang ka. Tsss…” tinitigan nya ako sa mukha.

Na-co-conscious tuloy ako. Ibang titig kasi ang ginagawa nya. Parang may something na di ko maiintindihan.

“Hoy! Bi-b-tawan mo nga ako.!” pero di nya pa rin ito binibitawan. “Ano ba. A-a-kin nga tong ka..may ko.” Nagpupumilit pa akong kunin ito sa kanya.

The END of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now