APKS 22

168 5 0
                                    

~~~~~~~~~~

Chapter 22

Nandito kami sa canteen… nakatambay… buti dala ko yung gitara ko, pantanggal bagot! pero sa kalagitnaan ng kantahan namin, may naisip ako…

“alam ko na kung bakit madami ang taong hindi mahal ng taong mahal nila…” sabi ko.. magulo ba? haha…

“bakit?” tanong ni Erica…

“kasi si Kupido, naiinggit siya kasi siya, mag-isa lang at walang lovelife… kaya para hindi siya nag-iisa, papanain niya ang isang tao pero hangin lang dun sa isa… gets nyo…?” sagot ko…

tumango si Erica…

“kung nakakalipad lang ako! lagot sa’kin yang si Kupido?” sabi ko…

“haha… alam mo guubz?” sabi ni Lovely…  tumingin ako sa kanya… “bakit si Kupido ang sinisisi mo? eh ikaw tong nagkagusto kay Yao? ikaw tong nakadama? di ba?”

…….

-X- speechless

“tama! tsaka si Cupid symbol lang siya ng love pero hindi nya hawak ang kapalaran ng isang tao…” sabi ni Erica..

O.o Erica? is that you???????

pero may point nga sila…

“haha.. tama ka dyan guubz… ang kapalaran ng tao, kahit yun ang nakatadhana, hindi yun mangyayari kung hindi ka magsisikap…” sabi ni Lovely…

talo ako dun ah.. >.<

makatugtog na nga lang…

“guubz! si Yao!!!!” pasigaw na bulong ni Erica… ^o^

napatingin ako…

“gusto ko kantahan mo ako sa harap ng maraming-maraming tao…”

*grin*

lumapit sa’kin si Yao…

“Cheer, oh...” iniabot niya sa’kin ang cookies na hawak niya… nang tingnan ko yun, cookie shaped as letters pala yun… at nakalagay na….

I LIKE YOU CHEER

namula yata ako…. >////<

para akong naiihi na natataeng ewan….

“gusto mo ako???” tanong ko sa kanya…

“hindi…” sagot niya

>.<

“eh bat ganto ang nakalagay dito?”

“hindi naman porke ganyan ang nakalagay dyan eh gusto na kita…” tapos umalis na siya

nagmumukha tuloy akong assuming sa ginagawa ni Yao… bakit kasi ganyan siya… tinanggal nya ang letter “G” sa salitang pag-asa! imba!

hindi pwede toh!!!!!!!!

tumuntong ako sa upuan, hinawakan ko ang gitara ko…

“IAN YAO GOMEZ!!!!” sigaw ko…

nagtinginan lahat sa’kin…

sinimulan kong tumugtog….

=please click the song “ISANG TANONG ISANG SAGOT”=

“Isang tanong, isang sagot

Wala na ngang ikot-ikot

Gusto ko lang liwanagin

Ako ba ay mahal mo rin?

Nakita ko sa kilos mo

Na may tibok rin ang puso

Wala ka lang sinasabi

Bitin tuloy ako

Ang hirap na man ng lagay ko

Di puwedeng mauna sa iyo

Kailan ko ba maririnig

N'akin ang iyong pag-ibibg?”

“isang tanong, isang sagot lang ang akin”

bahala na… basta gulong-gulo na talaga ako sa kanya… pinaglalaruan ba niya ako o pinapaasa???

“ako ba ang nilalalman ng ‘yong damdamin?”

sana oo… sana ako

“kapag sinabi mong ako’y mahal mo… ooh…”

sabihin mo lang na mahal mo ako, pwede na akong mamatay… sabihin mo lang… sabihin mo lang… please…

“HANGGANG LANGIT ANG LUNDAG KO….”

higit pa sa langit ang lulundagin ko… sana… sana…

lahat nakatingin sa’kin… pero hindi ko na pinansin yun, ang mahalaga sa’kin ngayon ay malaman ang totoo…

hindi ako desperada…! tama lang si guubz…

ang kapalaran ng tao, kahit yun ang nakatadhana, hindi yun mangyayari kung hindi ka magsisikap

kaya kung hindi man kami ni Yao ang nakatadhana, gagawa ako ng paraan para maging kami ang para sa isa’t-isa…!

“kapag sinabi mong ako’y mahal mo.. ooh… hangang langit, tibok ng puso ko…”

pagkatapos ng kanta… lumapit ako sa kanya…

“Yao! isang tanong, isang sagot… gusto mo ba ako???? isang matinong sagot ang gusto ko…”

“hindi…” sabi niya… TT^TT

baka hindi niya talaga ako gusto… baka pinapaasa nya lang ako… at heto naman ako si t*nga na aasa-asa… >.< ang sakit mabasted! TT^TT

ramdam ko na napuno ng bulung-bulungan ang canteen…

“di ba, ilang beses ko ng sinabing hindi kita gusto? hindi ka ba nagsasawang tanungin yan sa’kin?” sabi pa niya…

ouch! DOUBLE KILL!!!!

tumungo ako…

“pasensya na… sige, alis na ako…” sabi ko sa kanya..

TT^TT napahiya na nga ako sa harap ng maraming tao tapos nabasted pa ako… saklap!!! HINDI AKO MAHAL NG TAONG MAHAL KO?? TT^TT

…to be continued….

[:A/N: pabitin effect muna ako… haha… part 2 ng chapter 22 will be posted on Saturday… haha… thank you guys… mwah!~:]

Ang Papa ko, ShoklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon