APKS 13

221 6 2
                                    

MIDTERM UPDATES...

haha... ginawa ko tong story na toh bago mag-exam, kaya hindi ako nakapag-aral.. deadz..! yaeh na!! basta makapag-update lang.. :P haha... sana makapasa pa din.. :P

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 13

YAO’S POV

Nang makadating kami sa bahay, humiga muna ako at pinabayaan muna si Cheer sa labas… I sighed… hay naku! ano bang nangyayari kay Stephanie??

“Yao, pwede ba kitang makausap?” sabi ni Stephanie…

“sige, tungkol saan??”

“ahm… tungkol sa’yo… at kay…… Cheer…”

“anong meroon dun?” tanong ko…

“ikaw! anong meroon sayo? may gusto ka ba sa kanya??? mahal mo ba siya Yao” sabi niya…

“ha?!!! ano bang pinagsasasabi mo???”

“mula ng maging magkalapit kayo ni Cheer, bihira ka na sumama sa’min ni Ericsy… lagi ka pang absent mula ng umabsent siya… tapos lagi ka pang concern sa kanya… nagagalit ka pag magkasama sila ni Jack… Yao! akala mo ba hindi ko ramdam?? kilala kita Yao!! kaya hindi mo ako maloloko…” sabi niya na parang naiiyak…

“Steffie…”

“Yao!! bakit??” sabi niya tapos  tumungo… “bakit hindi na lang ako?? ilang taon na din akong naghihintay sa’yo… tiniis ko kahit maging magkaibigan lang tayo… kasi hindi ako nawawalan ng pag-asa na baka mamaya mahalin mo din ako…” tuluyang na siyang umiyak “tiniis kong sumama kay Erica na laging sumisigaw sa tenga ko kasi gusto ko magkasama pa rin tayo… pero mula nang dumating si Cheer… nawala na lang bigla lahat nang tiniis ko… oo nga, may pag-asa na maging lalaki ka… pero hindi naman dahil sa’kin… Yao bakit?? bakit si Cheer pa?? sana ako na lang…”

“patawad…” yun lang ang nasabi ko… at tuluyang na akong umalis…

mahal ko ba si Cheese??

hindi naman eh…

oo, mahal ko siya..

O___O

hindi!! hindi ko siya mahal!!

oo nga sabi eh!!! mahal ko siya!!!

HINDI!! hindi ko siya mahal!! at hindi ko dapat siya mahalin!!! ayoko ng masaktan!!

“Yao! ayos ka lang?” tanong ni Cheese mula sa labas…

hindi ko yun sinagot… masyado na nga akong napapalapit kay Cheese… delikado na… dapat siguro lumayo muna ako… baka lumalim pa ang pagkagusto ko sa kanya…

kinagabihan, bumaba ako para kumain…

“Oh, Yao… tara sabay na tayong kumain..!” sabi niya…

hindi ko siya pinansin…

“Yao…? galit ka ba?” tanong niya…

lumabas na ako ng bahay… pero pagtingin ko, kasunod pala siya…

“san ka pupunta???” tanong niya…

hindi ko siya sinagot… hinawakan niya ako sa braso sabay sabing.. “Yao! teka lang!!”

humarap ako sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko…

“Cheer! ano ba!!!! hindi ba ako pwedeng mag-isa???! alam mo nakakairita ka na!!!!!! lagi ka na lang nandun kung nasan ako… pagod na akong makisama!! pwede Cheer!!!! tantanan mo na ako!!!!!!!!!!”

Ang Papa ko, ShoklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon