APKS 36

96 4 0
                                    

sorry for the long wait.. kala ko kasi..walang nagbabasa ee... :)

~~~~~~~~~~~~

Chapter 36

Nung umaga, kasama ko si JC… eh pano siya kasi, gusto daw ako samahan…

Pupunta kami kina manong, ibibigay ko yung diary… hinihiram kasi niya baka daw may makita pa siyang clue… si Jack naman, namomroblema sa mga nawawalang CDs ng monitoring room… ayan! nakalimutan ko na namang itanong yung tungkol sa CCTV ng monitoring room.. mamaya na nga lang…

“Eto na kaya yun?” tanong ko habang nakatingin sa papel na binigay ni manong sakin kung san nakasulat yung address niya…

“Magtanong na lang tayo…” sabi ni JC…

hindi ko siya pinansin at nagtanong ako dun sa babaeng dumaan…

“Ate? kilala mo po si Jun Africa?” tanong ko..

“ah, yung pulis? oo bakit?” sagot niya…

“alam mo po kung san ang bahay niya?” tanong ko ulit…

“ayan na oh…” sagot pa niya… tapos umalis na…

hmmp.. sungit naman nun… anyways.. pumunta na ako sa may gate nung  bahay sa harap namin…

“tao po?!!” sigaw ko…

“tao po?!” sigaw din ni JC…

napatingin ako sa kanya… tapos tumingin siya sakin… at ngumiti.. -_-‘

hindi ko ulit siya pinansin…

“tao po!!” sigaw ko ulit…

maya-maya, sumilip si manong…

“oh… ang aga niyo naman…” sabi niya habang bumaba… pinagbuksan niya kami ng gate… “pasok kayo…” sabi pa niya ulit…

“tayo sa taas..” yaya ulit ni manong…

dahil si JC ang nasa unahan ko hinihintay kong umakyat siya bago ako… pero umisod siya at pinauna ako… nakangiti lang siya all the way… sura dito eehh… what’s with him…??? kailangan laging nakangiti? psh!

“honey! juice nga dyan…” sigaw ni manong…

naks! honey… may asim pa… hehe…

umupo na kami…

kinuha ni manong yung mga dyaryong nakakalat sa lamesa… “pasensya na at medyo madumi pa ang bahay…” tapos tinupi nya yung dyaryo at dinala sa kwarto…

“okay lang po…” sabi ko at ngumiti…

“wow! manong, may internet kayo??” tanong ni JC…

“meron…” sabi ni manong…

“painternet…” sabi naman ni JC…

“haha.. ikaw talagang bata ka.. sya sige…” sabi ni manong…

-_-‘ hindi manlang nahiya toh… grabe naman…

maya-maya, dumating yung batang babaeng cute…

“lolo, eto na po ang juice… ^^” sabi nung bata…

“salamat honey…” sabi ni manong…

-_-?

“manong? sya po si honey?” tanong ko nung makaalis yung bata…

tumango siya…

“bakit? akala mo, asawa ko??” sabi niya… tumango ako…

“haha.. wala na akong asawa… apo ko yun, si honey…” sabi pa ulit niya…

Ang Papa ko, ShoklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon