poison </3 part 2

3.4K 59 8
                                    

JM's POV

"Kapag ba nawala na ang alaala ko hindi ko na rin matatandaan ang misyon na to?"

"Hindi pa, sa oras na makaapak ka sa syudad, sa oras na malanghap mo ang polusyon dun mo lang makakalimutan ang lahat lahat. Lahat ng alaala mo dito sa gubat"

"Pero pano ko makakabalik sa syudad?"

"DIba may mga dayuhan kang nakita dito?" ah, yung mga campers?

"Ah, makikisabay na lang ako."

"Oo, ngayon inumin mo na yan ng makaalis ka na, tandaan mo maghihintay ka pa ng 3 oras bago mawala ang alaala mo kaya dumiretso ka na agad sa kanila baka magbago pa ang isip mo pag nagtagal ka pa dito."

"Oo, naiintindihan ko, wala na naman akong magagawa eh." ininom ko na ang inumin wala ng atrasan to, sorry dugyut </3

"Ikaw alis na."

"Pero asan muna si Karylle?"

"Ako ng bahala sa kanya."

"Gusto ko syang makita sa huling pagkakataon, bago mawala ang alaala ko."

"Ikaw ang bahala, ikaw sumunod sakin." Naglakad na si Mang Kepweng at sumunod na ko.

Nakita ko si Karylle na natutulog.

"Bakit sya natutulog?"

"Pinatulog ko sya para hindi nya marinig ang pag-uusapan natin"

"AH, sige ihahatod ko na lang sya."

"tandaan mo, kelangan umalis ka agad baka mamaya mabanggit mo pa sa kanya ang misyon mo." oo nga, naisip ko rin yan na sasabihin ko sana kay dugyut ang lahat para hindi sya masaktan.

"opo, naiintindihan ko."

"Sige umalis ka na." At ayun kinarga ko si dugyut na parang bagong kasal. AT umalis na kami

*after 2 hour*

Nandito kami ngayon ni dugyut sa kwarto nya.  halos isang oras ko nang pinagmamasadan ko lang syang matulog. Haay, 90 days, 3 months, madali lang naman yun diba? Yung iba nga taon na magkahiwalay eh. isang oras na lang mawawala na ang alaala ko.

SIguro naman pede kong halikan si dugyut kahit isang beses lang diba? di na naman kami magkikita kaya imposibleng magkahalikan uli kami.Kaya ayun dahan dahan kong binaba ang ulo ko at hinalikan sya sa mga mapupulang labi nya, Paalam karylle, Lumabas na ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at gisingin ko pa sya at sabihin ang lahat.

K's POV

Haay, nakatulog pala ako? Nagising ako ng halikan ako ni asawa ko pero pagmulat ng mata ko hindi ko nakita ang asawa ko, asan sya?  Agad agad akong lumabas at hinanap ang asawa ko.

Nakita ko ang asawa ko na kinakausap si Ryan, bakit parang kakaiba nararamdaman ko?

"Asawa ko!" Sya tumingin lang pero hindi ako kinausap sya naglakad na palayo

"Teka!" aking hinila kanyang braso "Bakit ako iyo di usap."

"Laro lang ang lahat." ha?

"La ako intindi."

"Hindi kita mahal, pinaglaruan lang kita."

"Ano ba iyo sabi?"

"Basta, lumayo ka na, babalik na ko sa syudad."

"Ha? Sama ko."

"Hindi pede.hindi mo ba naiintindihan? Ayaw ko sayo, aalis na ko."

Jm's POV

"Hindi pede.hindi mo ba naiintindihan? Ayaw ko sayo, aalis na ko." sorry dugyut kelangan kong gawin to.

"Teka, ikaw naman biro na naman eh" 

"Pasensya na. " Umalis na ko at tumakbo, san nga ba yung mga campers?

*after 50 mins*

Nakarating na rin ako sa mga campers. Naabutan ko sialng nagaayos na ng mga gamit

"Uy JM! Sakto dating mo paalis na kami, kala namin di ka na sasabay eh"

"Ah, may inasikaso lang ako. Tara na dali bilisan nyo."

"Bat nagmamadali ka? May humahabol ba sayo? Haha."

"Ha basta, dali na miss ko na ang syudad saka yung polusyon haha."

"Loko ka pare."

"Tulungan ko na kayo magayos"

[a/n: 5 mins bago mawala alaala ni dad.]

"ASAWA KO!!"  Naku lagot, bat sinundan nya pa ko?

"UY Pare, may asawa ka pala hindi mo man lang sinasabi.

"Hindi ko yan asawa, luko ka.""

"Asawa ko!! Sama ko." kumapit sya sa braso ko. Takte naman wag mo kong pahirapan dugyut.

[a/n: 2mins na lang]

"Bitawan mo nga ko, hindi kita kilala.

"Teka pare masyado ka namang harsh. Miss byutipol sakin ka na lang sumama tara pakasal na tayo" gago to ah. 

"Tsk. Makinig ka, Hindi kita kilala ah, kaya bumalik ka na sa pina-" aray biglang sumakit ang ulo ko at bat biglang nagdilim ang paningin ko?

[a.n: Ayan na naamoy ko na ang polusyon ng syudad haha, VoMment :D]

When Mr. Syudad meets Ms. Gubat | Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon