Chapter 29: Surprise.

7.4K 98 9
                                    

Chapter 29: Surprise.

Serene's POV:

**Few years after.

Napabalikwas ako sa kama at tumakbo papuntang CR para sumuka. Sht! Ilang araw na 'to ah. Last week ko pa naman kinain yung Durian na yun, pero hanggang ngayon, masama pa din ang lagay ng tyan ko. Uminom nanaman ako ng gamot ah? -___-

Nag-toothbrush ako at naligo na din. Ang init init ng pakiramdam ko, wala ako sa mood. -__- kaso kasi may business meeting pa ako. Hindi ko naman yun pwedeng ipa-cancel.

"Ugh." Simangot ko sa harap ng salamin nang hindi ko maisuot ang pantalon ko. Don't tell me, tumaba ako? -___- hindi pwede. May fashion show pa ang Ortiz at gawa na yung gown na susuotin ko para don.

Nagsuot na lang ako ng isang lumang dress ko na maluwang sakin na pinatungan ko lang ng blue na blazer at umalis na papuntang opisina, I texted Bart na hindi na ako magpapasundo sakanya, nagmamadali na din naman ako. Tsaka, twenty three na ako, I can manage myself, and ayoko din namang maabala pa si Bart, busy din yun sa sarili niyang trabaho.

"Good morning, Ma'am Serene. Yung mga bagong designs po pala at list ng mga models inilagay ko na sa desk niyo."

"Thank you." At tumango lang ako sa aking secretary bago pumasok ng opisina ko.

Agad na tinanggal ko ang blazer ko at inilapag ang gamit ko sa couch at naupo na sa tapat ng desk ko, kinuha ko yung mga bagong designs, classy. Naging malaking success kasi yung clothing line ng Ortiz at mas lumawak na. Mas nahigitan pa nga niya ang Ortiz Shoes eh, pero hindi pa din naman nagpapahuli sa sales ang Ortiz Shoes.

Yung designs, naghanap kami ng mga magagaling na designer from different parts of the Philippines at sa ibang kalapit bansa namin. We had a little competition para piliin kung sino ang kukunin namin, lima lang ang designers namin.  Kinuha ko din si Trixie bilang designer, pero as part time lang siya, pag may new designs siya, tinatanggap namin at nag-oopen for new set of clothes. But ang top designer talaga namin ay si Aira Mendez. Graduate siya sa isang sikat na fashion school sa States, and luckily, kilala siya ni Trixie, kaya nakuha namin siya. And this season, designs niya ang i-la-launch.

"Ang ganda." Sabi ko nang makita ko yung isang royal blue dress na nandon. Clothes and Shoes, they're all just the same, yung color, design lang nagpapa-unique dito. Parang tao, pare-parehas lang tayo, ang napapaiba lang satin sa iba ay yung ugali natin. But the composition and features, same lang.

Ini-scan ko lang yung mga profile ng mga models. Ang gaganda nilang lahat, especially Dominique, pumasok kasi siyang part time model sa company, syempre, for free niya lang kinuha yun, pang-alis boredome niya lang daw. Simula ng magbukas ang clothing line namin, siya na ang kinukuha kong model ng top design namin.

"Miss." Dungaw ng secretary ko na tinanguan ko lang. Dinalhan lang pala ako ng kape. Nagpasalamat lang ako sa kanya at ininom ang kape.

Napadura ako ng maglasang panis ito. Ano ba 'to? Bat lasang ganito?

Itinapon ko ito sa trash can at pinunasan ang parte na desk ko na nasabuyan ko nung kape kanina, buti na lang walang importanteng nabasa, bukod dun sa calendar ko.

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon