Chapter 23:Cold.

7K 89 7
                                    

Chapter 23:Cold.

Serene’s POV:

 

***Summer 20**

 

After kong pumunta sa Moa kung nasan ang Main boutique ng shoe line naming ng Ortiz ay dumiretso ako dito sa Unit ni Bart, wala pa siya mamaya pang hapon ang balik niya kasi inaasikaso pa niya ang kompanya nila since nasa states pa din ang papa kasi nagkaron nanaman ng cardiac arrest kailangan daw magpahinga.

 

Pagdating ko ay kumuha agad ako ng juice at tinanggal ang heels ko, kanina kasing umaga nagkaroon kami ng meeting, seems like hindi na nasasatisfy ang mga tao sa mga products namin, madami na din kasing naglalabasang bagong shoe store kaya we need to present a fresh product from our line. So another stress kasi nag-iisip kami ng kung ano yun. More on, nag-iisip pala ako. Ang hirap since bago pa lang ako pumasok sa business world at grabeng pressure na ang nararamdaman ko.

 

Naupo ako sa sofa at binuksan ang television, nag-scan lang ako ng channel hanggang sa mapunta ako sa ETC, ang palabas Project Runway... Hm. Magandang idea, clothes. Shoes and clothes ang best partner right? One cannot be complete without the other one. Hindi ka naman pwedeng sumalang sa isnag fashion show na hindi magkasama ang dalawa. So maganda siguro ang gawin naming new product is clothes.

 

Tumakbo ako papuntang kwarto ni Bart para hanapin yung damit na pinahiram skain ni Trixie, last week kasi nagpunta kami ng beach mga babae, ako, si Trixie, Shanna, Dominique at yung kaibigan niya daw mula sa ospital nila na si Jianna, at dun ko nalaman na siya pala yung babaeng tinutukoy ni Max dati. Anyway, enough with the side story, hinanap ko yung damit na pinahiram ni Trixie sakin, siya daw ang nag-design at nag tahi nun eh out of boredom daw niya ngayong bakasyon. And voila, nandito nga. Pwede ko kayang tanungin si Trixie kung pwede kong hingin o bilhin na lang yung design niya na ‘to o kung mas maganda, babayaran na lang siya para mag-design para sa new line namin.

 

Na-e-excite na ibinalik ko yun sa closet nang may biglang nalaglag mula sa isang coat ni Bart doon. Yung letter na binigay ni Bryle kay Bart. Binasa ko muli iyon at katulad nung unang beses ko siyang nabasa ay sobrang na-curious nanaman ako. Nung tinanong ko si Bart kung may utang bas a kanya si Bryle ay hindi naman siya sumagot at iniba na lang yung topic. Wala din naming sinasabi sakin si Bryle. At ayoko din naming magtanong pa sa kanya kasi kung may financial problem siya, sigurado akong ayaw niyang malaman ko. Pero kasi... There’s something in this letter na parang humahatak sakin na alamin ko kung para saan at kung ano ba siya. Para bang inaakit niya ako.

 

Ah, ewan. Ibinalik ko na lang yung sulat sa coat ni Bart at pumunta sa Sala. Anupo ako at ipinagpatuloy ang panonood ko. Tumingin ako sa wall clock at... Kinuha ang mga gamit ko. May tinawagan ako at sinabi sa kanyang makikipagkita ako sa kanya. Pumara ako ng taxi pagkalabas ko at sinabi sa driver kung saan ako pupunta, after thirty minutes ay nakadating na ako sa mall, pumunta ako sa coffee shop na sinabing kong magkita kami at nasa labas pa lang ako nito ay nakita ko na sila.

 

“Hello!” Sambit ko kila Jun, Zero, Yyan at Ryan.

 

Sabay sabay naman silang tumingin sakin at tumango lang, naupo ako sa isang bakanteng upuan doon at tahimik na pinagmasdan sila. Ramdam ko ang mga masasamang tingin sakin nung mga babae dito sa coffee shop. Alm ko naiinggit sila, ikaw ba naman makakita ka ng apat na nag-ga-gwapuhang mga lalaki tapos biglang may sisingit na isang babae? Sinong hindi maiinggit doon?

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon