Chapter 28: Accept.

6.7K 104 9
                                    

Chapter 28: Accept. 

Serene's POV:

Ginising ako ni kuya nang makarating na kami dun sa vacation house namin sa Cavite. Dito kasi kami lagi nagpupunta nung mga bata pa kami eh. Lalo na nung buhay pa si mama.

Bumaba ako ng sasakyan at tinitigan yung bahay. Ang tagal na nung huli kaming pumunta dito. Third death anniversary pa ata ni mama yung huli. Nung ten ako. Then after that hindi na kami bumalik dito dahil naging busy si papa sa company and then nagkasakit siya.

Binuksan ni kuya ang gate at inaya akong pumasok sa loob ng bahay. Agad na nilibot ko ang paningin ko.

Ganon pa din. Wala halos pinagbago. Yung furnitures na si mama mismo ang nag-disenyo at nag-ayos. Ganon pa din.

"Nothing's change." I uttered.

Yung mga memories ko nung bata pa ako bumalik kasi wala talagang pinagbago yung bahay. Yun nga lang... Yung atmosphere niya dating masaya. Malungkot na ngayon.

Parang kahit colorful yung lugar, sa paningin ko, black and white na lang siya kasi parang hindi na kumpleto.

"Sinabi sakin ni Nanay Fely na dalawang beses sa isang buwan ay pinapapunta siya dito ni Papa para daw linisin ang buong bahay." 

"He still cares." Sadd ko at hinimas ang puting sofa na nandito. 

"He will always care, Serene. That's how love works. Kahit wala na yung isang tao, may halaga pa din ito sa'yo."

Natahimik ako at tumungo na lamang. Nagpaalam si kuya at bibili daw siya sa isang mini market sa labas

ng Subdivision na 'to ng pwede niyang mailuto. Maaga pa naman eh, wala pang ten ng gabi, ang alam kasi namin twenty four hours na bukas iyon.

Habang mag-isa ako, nagbukas ako saglit ng e-mail ko, wala pa pala yung letter galing kay Miss Jacinto regarding sa pagkuha namin sa kanya para mag-design sa new branch ng Ortiz' na itatayo namin sa Australia.

Nang wala na akong iba pang magawa, umakyat ako papunta sa music room. Si mama kasi mahilig din sa music, actually, its her first love, kaya pag sa bahay talaga namin, laging may music room.

Lumapit kagad ako sa puting cello at pinatugtog ito. Pinatugtog ko yung favorite mozart piece ni mama. Nang nasa kalagitnaan na ako ay tumigil ako at pinalitan ang pinatutugtog ko ng favorite symphony ni Bart.

How ironic. Napakalungkot ng symphony na 'to. And if I were to interpret this symphony, I think it wants us to feel the feeling of being lost, abandoned and broken in love.

"Serene..."

Tinigil ko ang pagtugtog ko at tumingin kay kuya, ngumiti ako at ibinalik sa lalagyanan ang cello. Inayos ko yung music sheet, nakayuko ako nang may ibinigay sakin si kuya. A handkerchief.

"Huh?" Humawak ako sa pisngi ko.

Basa. I'm crying?

"S-sorry. Ano ba 'to di ko napansin. Maybe because I'm used to crying that's why I can't even know if I am."

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon