Mangga

560 8 0
                                    

May isang puno ng mangga na pag-mamay-ari ni Mang Daniel sya ay byudo na at tanging nag-iisang anak nya nalang ang kanyang kasama sa buhay. Tuwing nagkakabunga ang puno niya ng mangga ay nagkakagulo ang mga kapitbahay niya. Dahil ang bunga ng puno ng mangga ay kasing laki ng pinya.

Lahat ng dumadaan sa bakuran ni Mang Daniel ay asim na asim sa kanyang mangga lahat ay natatakam at gustong tumikim.

Dahil sa madamot si Mang Daniel ay hindi nakakahingi ang kanyang mga kapitbahay kaya pagsapit ng dilim kung saan ay mahimbing ang tulog ni Mang Daniel at ang kanyang anak.

Doon nagkakaroon ng pagkakataon makakuha ng mangga ni Mang Daniel. Alam na alam ni Mang Daniel ang bilang ng bunga ng mangga at maski ang kanyang anak ay pinagbabawalan niya na kumuha.

Umagang umaga galit na galit si Mang Daniel at nagsisigaw sa kanyang bakuran. Nagkulang kasi ng dalawang bunga ang kanyang mangga.

“Mamatay na nagnakaw ng mangga ko! mga patay gutom kayo!! Mahuli lang talaga kita may kalalagyan ka!!” paulit ulit na sinabi ni Mang Daniel habang may hawak na itak.

Ang mga kapitbahay niya ay takot na takot sa nakitang itsura ni mang Daniel at sa galit kasi nito ay parang papatay na ng tao.

Isang araw ay nakaisip si Mang Daniel na pakawalan sa bakuran ang alagang niyang malaking sawa. 10ft ang haba at sa taba nito ay kaya ng lumunok ng tao.

Nalaman ito ng mga kapitbahay niya at hindi na sila nagtatangkang kumuha at kahit tumingin man dahil nga sa takot nila.

Ang ahas ay nagpa gala-gala sa bakuran ni Mang Daniel at minsan ay nakasampay ito sa puno ng mangga o minsan nakapulupot ito sa katawan ng puno ng mangga.

Hindi na nangangamba na umalis ng bahay si Mang Daniel dahil sa may bantay na ang kanyang puno ng mangga.

Isang araw umuwi galing palengke si Mang Daniel. Nagulat siya dahil wala ang ahas sa kanyang bakuran kaya binilang niya ang bunga ng mangga at inabot siya ng isang oras sa pagbibilang.

“Hay salamat at walang labis at walang kulang. Andyan pa din ang mga nabubulok at hindi pa nagkakalaglagan.”

Pagpasok niya ng bahay ay tinawag niya agad ang anak niyang si Erich.

“Anak may sinaing na ba? Bumili ako ng lutong ulam sa palengke.”

Nagtungo si Mang Daniel sa kanyang kusina at tiningnan kung may sinaing dahil sa nagutom siya sa kakabilang ng mangga.

Kumunot ang noo ni Mang Daniel at nagdabog ng buksan ang kaldero dahil sa wala pang sinaing.

“Pesteng bata.. Mas inuna pa siguro ang gala..”

Sinigaw ang pangalan ng kanyang anak “Erich!! Erich... Asan ka ba.. Bakit hindi ka nagsaing tanghali na..” Hindi sumasagot ang kanyang anak kaya pinuntahan niya na ito sa kwarto.

Pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ay nabitawan niya ang dala niyang supot ng ulam.

Nakita niya na bukas na ang bintana ng silid ni Erich at nakita niya din ang kanyang alagang ahas ay  natutulog na sa kama ng kanyang anak.. At napaka laki ng tyan nito at halatang busog na busog.

Hindi na nakapagsalita si Mang daniel at parang nawala sa sarili kaya kinuha niya ang kanyang itak at pinagtataga ang ahas at hiniwa ang tyan. Andun nga sa loob ng ahas ang kanyang anak at wala ng buhay. Inulunok pala ito ng buo ng ahas.

Agad niyang kinuha ang kanyang anak at hinagkan ito habang umiiyak.

Sinubukan niya pa itong dalhin sa ospital kahit alam niyang hindi na ito humihinga. Umaasa pa siya mailigtas ang buhay ng kanyang anak.

Makalipas ng isang linggo ay nailibing na ang kanyang nag-iisang anak na si Erich at umuwi na si Mang Daniel sakanyang bahay upang linisin ang mga gamit ni Erich at maitabi.

Pagkabukas niya ng cabinet ni Erich ay nagulat siya sa kanyang nakita, andun pala ang mga nawawalang bunga ng mangga at ang isa ay hindi pa nababalatan at ang isa naman ay buto nalang at mga naiwang balat nito.

Iyak ng iyak si Mang Daniel at sisingsisi dahil naalala niya ang lahat ng kanyang sinabi sa nagnakaw ng kanyang mangga.

Pagkatapos ay kumuha ulit siya ng itak at pinutol ang puno ng mangga habang umaagos sa kanyang mata ang luha.

Magmula noon ay lagi ng nakikita mag isa at nakaupo sa bakuran si Mang Daniel na tulala at malungkot, minsan naman ay kinakausap ang sarili.

--The end--

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now