Sexy Leticia--- One

37.9K 600 12
                                    

At the Club

'She is alone, not that no one else is in the Club. But actually it's pack of people. She is sitting in one of the bar stools chair with a glass of sex on the beach drink. She surely knows that she's getting tipsy.

"Can i buy you more drink?" mapangahas na tanong sa kanya ng isang lalaki. Tinignan lamang niya ito mula ulo hanggang paa. She is not interested in him at all.

"Do i look like i can't afford to buy myself a drink?" nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa lalaki. Ipinakita niya dito ang kanyang Black credit card. Napahiya naman ang lalaki na tumalikod at walang sinabi na naglakad palayo sa kanya. Napa smirk lang siya habang hawak ang baso at dinala sa bibig.

'There is two middle age man sitting next to her. Nag uusap ang mga ito na kunyari nagbubulong-bulongan pero she can hear them. Pinag uusapan siya ng dalawa. Bakit daw naroon siya sa lugar na iyon mag-isa eh ayaw naman pala niyang may lumalapit sa kanya na lalaki. Halata naman daw na kaya siya naroroon ay dahil naghahanap siya ng aliw. Umaarte lang siya na kunyari ayaw pero naghahanap lang siya ng mas pogi o gwapo.

'Napaismid siya sa mga naririnig galing sa dalawang may idad na lalaki. It wasn't the first time na may lumapit sa kanyang lalaki, trying to buy her a drink. Since she got there hindi na mabilang ang mga lalaking lumapit sa kanya. And just like what she did to the last guy, ginawa rin niya sa una, pangalawa, pangatlo, pang apat, pang lima and so on. Ka lalaking tao at may mga idad na, tsismoso din pala. Hindi lang pala mga babae ang mga tsismosa, pati rin pala lalaki.

'Tinawag niya ang bartender at nag order pa ng another shot. She wasn't sure kung pang ilan na niya iyon. But who cares? Nobody.
"Hey! you know what," i can take their tab." sabi niya sa bartender at itinuro ang dalawang lalaki na katabi.

"Hopefully that shut you guys up!" ngisihan niya ang dalawa.

"Abat-----" hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin sana nito sa kanya dahil pinigilan ito ng katabi.

"Mind your drinks old man, bayad na po yan. Para wala na kayong masabi na HINDI maganda sakin." ipinagdiinan niya ang HINDI para alam ng mga ito na masyado na silang nangingialam. Saka mas lalo pa siyang ngumisi sa dalawa. Nakita niyang pigil-pigil naman ng kasama nito ang katabi. To hell with them, sa isip niya. At ininom niya straight ang laman ng kanyang baso. Nahilo siya ng konti sa ginawa. Umiinit pang lalo ang kanyang pakiramdam.

'Kakalabas lang ni Matthew sa locker room ng makasalubong niya ang kaibigan na Jarren. Tulad niya ay isa itong bouncer ng Club. Nag usap sila sandali, naka duty pa ito kaya hindi pwede na magtagal sila sa pag uusap. Paalis na din sana siya sa kinatatayuan ng mapansin ang babae na tumayo from the bar stool chair at gumiwang ito. Mabilis namang nakahawak ang babae sa counter kaya hindi ito tuluyang nabuwal. Naglakad siya palapit dito para sana tulungan ang babae pero nakita niyang may lumapit dito na lalaki at hinawakan agad ang babae. The girl pushed the man and slapped him. Parang galit ang babae na may sinabi ito sa lalaki. Malayo pa siya ng konti sa dalawa kaya hindi niya naririnig ang pinagsasabi nito. Pero sapat na sa kanya na maintindihan na ayaw ng babae ang tulong nito.

'Siya ang nasa labas ng Club kanina and He certainly recognize the girl. Ito yong babae na pumasok kanina sa Club na masyadong malakas ang dating. Sobrang ganda nito at para pa ngang hindi nababagay sa Club nila. Halata sa kilos at pananamit na mayaman ang babae. Tinignan niya uli ang direction ng babae. Nakatayo pa rin ito at hawak ang baso na may laman. Parang wala pa itong plano na umalis. He turned around and head towards his boss office. Magpapaalam lang siya na uuwi na. Suppose siya ang kasama ni Jarren na magbantay sa labas ngayong gabi. Pero masama ang kanyang pakiramdam, ayaw man niyang umabsent sa trabaho dahil kailangan niya ang kikitain sa gabing iyon ay pinapauwi naman siya ng kanyang boss. Isang sulyap pa ang kanyang ginawa bago tuluyang umalis at magpunta sa office.

'Diretso ng lumabas ng si Matt sa Club, nakapagpaalam na siya sa kanyang boss. Kumaway lang siya kay Jarren at gayon rin ang ginawa ng kaibigan.
"Ang dami pa ring tao sa labas." kausap niya sa sarili.
'Dahil masama ang kanyang pakiramdam at medyo nahihilo siya ay naisipan niyang mag taxi na lamang pauwi. Parang wala siya sa mood na magpalipat-lipat pa ng jeepney. Naglakad siya sa may unahan at maghihintay na lamang ng taxi na paparating. Nakatayo siya sa may gilid ng karsada, maraming tao ang naglalakad mostly magkapareha.

'Nakita niyang may paparating na taxi, handa na siyang parahin ito ng may biglang bumangga sa kanya. Instead na matumba siya ay ang taong bumangga sa kanya ang matutumba sana kung hindi lamang agad niya itong nahawakan at hinila palapit sa kanya. Nalanghap niya ang magkahalong perfume at amoy ng alak. Nagulat siya ng makilala ang taong bumangga sa kanya. Ito yong babae sa loob ng Club. Mabilis niya itong inilayo sa kanya pero hawak niya ito sa magkabilang braso.

"Sorry..sorry.. i guess i'm drunk.Shit!" sabi nito sa kanya. Nagtaka pa siya na hindi ito nagalit sa kanyang pagkakahawak. Akala niya ay sasampalin din siya nito.

"Okay lang po." Ipapara ko na po kayo ng taxi Miss." Sagot niya dito at binitawan na niya ito. Gumiwang na naman ang babae at matutumba na naman sana pero mabilis niya itong nahapit sa beywang. Sa gulat niya ay yumakap ito sa kanya. Kakaibang pakiramdam ang hatid ng pagkakayakap nito sa kanya. Parang may na buhay ng kung ano sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Mainit ang babae at kahit amoy alak pa ang hininga nito ay mabango pa rin para sa kanya.

"Ano po pala address nyo Miss at ng masabihan ko ang taxi driver kung saan kayo ihahatid?" Hindi siya sinagot ng babae. Pumikit lamang ito habang nakayakap sa kanyang beywang. Nagdadalawang isip siya kung yayakapin din niya ito para mas masuportahan pang lalo ang balanse nito. Wala pa ring sagot mula rito.

'May paparating uli na taxi, pinara niya ito. Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis niyang pinasakay ang babae sa likod. Nahirapan siya dahil ayaw siya nitong bitawan. Ang nangyari tuloy ay napilitan siyang sumakay sa likod kasama ito.

"Take me to wherever you go." bulong nito sa kanya. Nakayakap ang dalawa nitong kamay sa kanyang katawan. Nakasandig ang malambot nitong katawan sa kanya at halos nasa kanyang leeg na ang buong mukha nito. Nakikiliti siya sa kanilang posisyon. Pero everytime that he started to move mas lalo lang humihigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

'Sinabi niya sa driver ang address niya. Wala na siyang choice kung hindi dalhin ang babae sa kanyang apartment. Pang ilang beses na niya itong tinanong kung saan e uuwi pero ayaw talaga sabihin sa kanya. Napansin niyang panay sulyap ang driver sa kanila.

"Kuya eyes on the road po, baka sa hospital tayo pulutin instead na makauwi sa bahay."

"Sorry po sir." napapakamot sa ulo na hingi ng paumanhin ng driver sa kanya. Hindi na lamang siya sumagot. Pansin niyang malalim na ang paghinga ng babae na kasama. Hindi na rin mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Makaraan ang thirty minutes ay dumating na rin sila sa kanyang apartment. Mabilis siyang nagbayad at inakay ang babae na makababa. Hirap na hirap siya pagpalabas sa sasakyan dahil ayaw nito gumising. Hapit sa beywang na naglakad sila palapit sa kanyang apartment. Gustong-gusto na niya itong kargahin pero baka mag asawang sampal ang matanggap niya galing dito.

'Nang makapasok sa loob ng apartment ay hindi niya malaman kung saan ilalagay ang babae. Hindi pwede na kwarto niya ito matulog baka pagka gising nito bukas ay maakusan pa siya ng rape. Inalalayan niya itong makahiga sa luma at maliit niyang sofa. Nagpunta siya sa kusina at nag init ng tubig. Parang nawala ata ang sinat niya sa mga nangyari sa kanya ngayong gabi. Kumuha siya ng tea bags at nilagyan ng konting honey ang cup. Hindi siya umiinom ng gamot pag may sakit siya laging hot tea at konting honey ang iniinom niya. Hindi na masakit ang kanyang ulo. Gumawa siya ng isa pang cup at bumalik sa sala kung saan niya iniwan ang babae. Laging gulat niya ng makitang nakaupo na ito at nakatingin sa kanya. Parang tutuluyan ata siya ng lagnat sa klasi ng pagkakatingin ng babae sa kanya.

A/N: Please vote. Thank you much! 😘

Sexy Leticia ( Completed )Where stories live. Discover now