Sexy Leticia--- Eight

17.9K 377 13
                                    

'Kanina pa hindi mapakali si Matt, nang lumabas na ng pinto si Letty kanina ay pigil-pigil niya ang sarili na hindi ito sundan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang siyang kinabahan. He knows nothing about her, except her full name na pakilala nito sa kanya.

"Ano ka ba Matt, hindi natin matatapos to kung nakatulala ka lang dyan." napatingin siya sa kaibigang si Charlotte. Mapapansin na ang pagkadismaya nito. Magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Sorry Cha may iniisip lang kasi ako."

"Kung tungkol sa utang mo sa school sabi ko naman sayo huwag mo nang problemahin yon. Ako na ang bahalang magbayad non." lumambot na ang expression ng mukha nito.

"Alam mo namang ayaw kong mangutang." Saka malapit ko nang mabuo ang pera na kakailanganin ko." Sige tapusin na natin to kasi may pasok pa ako mamaya."

"Oh sige, basta ba magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong. Alam mo naman na lagi lang akong nandito at handa kang tulungan." matamis na uli ang ngiti nito sa kanya. Ngitian lang din niya ang dalaga. At pinagpatuloy nila ang ginagawa. Matt knew that Charlotte has something for him. She's indeed special to him either but it's different this time. Hindi na niya masusuklian ang pagtingin nito sa kanya. Iba na kasi ang gusto niya. Nang matapos na sila sa ginagawa ay hinatid lamang niya ito sa labas ng pinto. Saka naman siya nag ready na sa pagpasok sa trabaho.

'Pumasok siya ng Club na medyo balisa. Laging nakatingin sa mumurahin niyang relo. Parang gusto na niyang mag alas onse na agad para makauwi at makita ang dalaga.

"Pare, kanina ka pa balisa may nangyari ba?" tanong sa kanya ni Jarren.

"Hah?" kasi pare naiwan ko atang bukas yong gasul kanina habang nagluluto ako." Yon yong iniisip ko ngayon ko kung na off ko ba yon bago umalis ng bahay." pagsisininungaling niya.

"Ano? Baka wala ka na abutan nyan pag uwi mo." Saka yong ipon mo pare baka maging abo na yon."

"Huwag naman sana pare." lihim siyang napa dasal na huwag sana magkatotoo ang kanyang kasinungalingan.

"Umuwi ka nalang ngayon pare, kaya ko na to. Balita ko naman ay may darating mamaya na bagong pasok para daw mag training. Ako na bahala don."

"Sure ka pare? Oh sige magpapaalam lang ako kay boss. Salamat talaga bro." tinapik niya ang kaibigan at kumaripas ng pasok sa loob. Nagpapasalamat siyang mabait ang kanyang boss at agad siya nitong pinayagan na umuwi kahit alas otso pa lamang ng gabi. Hindi niya inisip na magtipid ngayong gabi. Kailangan na niyang makarating agad ng bahay. Kaya ng makalabas sa Club ay pumara siya ng taxi saka nagpahatid sa apartment na tinutuluyan.

'Halos talunin niya ang paglabas ng taxi ng huminto ito. Malayo palang sila ay ibinigay na niya ang kanyang pamasahe sa driver. Lakad takbo ang kanyang ginawa makarating lang sa apartment. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang may ilaw sa sala. Sigurado siyang naka off ang switch sa lahat ng ilaw bago siya umalis kaninang hapon. Mabilis niyang isinusi ang hawak na susi sa seradora ng pinto. Tahimik siyang pumasok. Hindi niya makita si Letty sa sala pati na sa kusina kaya pumasok siya sa kwarto nila.

'Kinabahan siya bigla ng hindi rin makita ang dalaga. Pero nakahinga siya ng maluwag ng makarinig ng ingay na nagmumula sa banyo. Umupo siya sa kama at sinimulang tanggalin ang kanyang sapatos na suot. He took his shirt off too. Napalingon siya ng bumukas ang pinto ng banyo at makitang nakatayo ang dalagang nakatapi lang ng tuwalya sa katawan. Nakatingin ito sa kanya na parang gulat na gulat.

"Hey lover boy, what you doin here?" naglakad ito palapit sa kanya. Ang tamis ng ngiti nito sa kanya. Tumutulo pa ang ibang hibla ng buhok nito na hindi nakapaloob sa tuwalya nito sa ulo. He's body is burning in an instant seeing her walking towards him with just a towel in her body. Nang makalapit ito sa kanya ay agad niya itong niyakap at iniloblob niya ang ulo between her two mountains. Ang bango nito, amoy niya ang gamit nitong sabon.

Sexy Leticia ( Completed )Where stories live. Discover now