Si Nelya at ang kanyang kapalaran (Pang-lima)

7.3K 222 95
                                    

“Halimaw!”

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at umatras papalayo sa mabuhok at kulay berdeng matang halimaw. Kaagad akong naghagilap ng kung anong kahoy bilang pang-depensa kung susugurin ako ng nakakatakot na lamang-lupa.

“Huwag kang lalapit!” sigaw ko sabay ng pag-amba ng tangan kong kahoy. Papalapit sa akin ang halimaw at nanlilisik ang mga mata niya.

“Stop this nonsense Nelly!”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong mag-Ingles ulit ang halimaw. Mukhang English-speaking pa ang green-eyed monster na ito!

“Ah…hindi ka pala nakakaintindi ng Filipino ha! Hmm…” Napaisip naman agad ako ng translation  sa Ingles ng sasabihin ko. “Don’t come near me or else!” sigaw ko.

“Ano bang problema mo Nelly? Nagjojoke ka na naman ba?”

“Joke?!” Ako magjojoke sa harapan ng halimaw? Aba’y itong green-eyed monster na ito ang malaking joke!

 

“Let’s go home.” Aaktong hahawakan ako ng halimaw at mabilis akong umatras. Sa pag-atras ko na iyon ay hindi ko namataan ang kung anong ugat ng puno o halaman ang nasa paanan kung saan sumabit ang aking kanan paa dahilan para matumba ako at mapaupo.

“Don’t you dare walk another step!” banta ko dahil aakto pa siyang lalapit.

“Stop this Nelly! My patience is really growing thin.” Lumapit pa ng tuluyan ang halimaw na nagsasalita ng Ingles. Umakto pa siyang suwagin ako ng kanyang sungay at sa aktong binaba niya ang kanyang ulo patungo sa akin ay hinataw ko siya ng kahoy na tangan ko.

“Aahh!” malakas na daing ng halimaw. Napuruhan ko ang ulo niya. “What is wrong with you Nelly?” Lumayo sa akin ang halimaw habang hawak-hawak ang kanyang ulo. Akala niya hindi ko kayang manakit ha! Humanitarian ako pero hindi naman siya tao para isipin ko pa ang kapakanan niya.

“Oh no! Nelly, anong ginawa mo?” Napatingin ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang paru-parong nakasalamin na kaboses ni Rebecca.

Sunud-sunod na dumagsa ang mga kadalagahan na tinakbuhan ko at pinalibutan nila ako samantalang ang isang babae ay lumapit sa halimaw na may berdeng nanlilisik na mga mata na ngayon nga ay nakahawak sa ulo niya.

Rinig ko ang tila maingay na paghuni ng mga kadalagahan sa pagitan ko. Mabilis kong iniahon ang sarili ko sa pinagkakaupuan ko ngunit tila umiikot ang paligid ko nang sinubukan kong tumayo. Tumingin muli ako sa paligid ko at ang dalagang maganda na tinakbuhan ko ay papalapit na sa akin. Gusto kong tumayo muli at tumakbo papalayo sa kanila pero may kakaibang nangyari sa binti ko na hindi ko ito mautusan gumalaw at pakiramdam ko ay natutunaw ang buto ko. Minasid ko ulit ang aking paligid habang umiikot ito at papalit-palit ng kulay at ilaw hanggang dumilim.

...

 Anong nangyari? Napabangon akong bigla dahil sa aking kakaibang panaginip. Tumingin ako sa aking kinahihigaan at hindi ito pamilyar sa akin . Napatingin din ako sa damit na suot ko at hindi ito ang natatandaan kong suot ko kagabi.

I am his Accidental WifeWhere stories live. Discover now