CHAPTER TEN-C [END]

212K 3.3K 120
                                    

CHAPTER TEN-C

            “Naaawa na ako kay Landon.” Komento ni Lucille. Bigla nalang kasi itong bumisita sa kanya kasama sina Belle, Ash at Sabrina. Si Jair ay nasa lola nito, mama ni Landon. Pinapayagan niyang ipasyal nito ang anak niya hindi naman kasi niya ito ipinagkakait sa lola nito.

            “Oo nga dati galit na galit kami sa kanya pero hindi kaya sobra na ang tagal ng pagdurusa niya?” si Belle.

            “Hindi naman sa kinakampihan naming si Landon, Amber because he really deserves it. Kaya lang masyado ng matagal ang tatlong buwan na pagpapahirap mo sa kanya at saka we know how he regreted it. Kailan mo ba siya papatawarin?”

            She let a sigh escape from her throat as she felt her baby bump. She is three months pregnant and so far napapansin niya ang efforts na ginagawa ni Landon para lang mapatawad niya ito. At hindi siya tanga para hindi makita iyon at hindi lumambot ang puso niya. Kahit anong sabihin niya mahal na mahal niya ang gagong iyon.

            Hindi naman siguro siya magpapahila sa club sa Vegas para lang sumama sa isang stranger kung hindi siya attracted sa lalaki sa simula pa lang. She got curious kaya nga siya sumama dito and the rest is history. She kept a picture of him sa loob ng kanyang silid dahil—mahal niya ito at kahit na nasaktan siya nito ng ilang ulit ay matututunan pa rin niya itong patawarin. Medyo matagal nga lang pero di bale na at least napatawad niya.

            “He is already forgiven.” Her answer.

            “Really? Pero bakit nandito ka pa rin? Bakit pinahihirapan mo pa rin siya?”

            “Bakit feeling ko ako ang kontrabida sa story na ito?” nakatikwas ang kilay niya.

            “Balik na kayo ni Jair sa bahay ni Landon nagmumukha na kasi iyong haunted house eh.”

            “Hindi ko siya pinapahirapan ah mabait pa nga ako.”

            “Kaya pala halos hindi na siya umuuwi sa bahay niya, pagpasok niya sa hospital ay punta agad siya dito. Tapos balik din sa hospital at balik dito, minsan pumupunta sa kung saan just like Baguio para lang bumili ng strawberries o kaya naman ay pumunta sa Cebu para bumili ng lechon Cebu na gusto mo. Siya an gang pumupunta kahit na sinabi na ng mga asawa namin na iba nalang ang pabilhin, sabi naman ni Landon baka daw mag-iba ang lasa kapag iba ang bumili. See, kahit asawa namin hindi magagawa iyan. May limitation din ang tao Amz, hihintayin mo bang matigok na sa sobrang pagod iyong MAHAL mong asawa.” Mahabang litany ni Lei.

Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon