CHAPTER TEN-B

214K 3.1K 146
                                    

CHAPTER TEN-B

            “JAIR.” Napangiti siya ng makita ang anak niyang nagising na.

            “Daddy where is mommy?”

            “She is sleeping.” Turo niya sa ina nitong nasa kabilang kama. “Hinintay ka niyang magising kaya lang inantok din siya.”

            “Is she okay? Wala na ba ang bad guy?” nanginig ang mga labi ng anak niya. “I am not a hero I haven’t protected her from bad guy she protected me from them.” He took a deep breath upang kahit papaano ay gumaan ang loob niya ng makita ang malalaking butil ng mga luha na tumulo sa mga mata ng kanyang anak.

            “Sorry anak dahil hindi ako naging good daddy sa iyo.” Pinunasan niya ang mga luha nito. “At hindi ako naging good husband sa mommy mo.”

               Suminghot ito at nagsimula ng magsalita.

            “Daddy noong hindi pa kita nakikita kilala na kita. Hindi sinabi ni mimi ang tungkol sa iyo pero nakikita ko ang picture mo sa room niya sa bahay namin. Palagi ko siyang nakikitang umiiyak kapag nakatingin siya sa picture mo. Kaya nga ayoko kasama si mimi matulog kasi palagi nalang siyang umiiyak. Ayokong umiyak kasi baka malulungkot si mimi kaya huwag mong sabihin sa kanya na umiyak ako.”

            Tama nga siya ng sinabi niyang nagmana ang anak niya sa mommy nito, matapang, matalino at maaalahanin. Hindi katulad niya he is a selfish jerk at alam niyang deserving siya sa lahat ng cold treatment na ipinapakita ni Amber sa kanya.

            Mas masakit pala iyong hindi ka pinapansin na para bang isa kang hangin lang. Hindi siya sinulyapan ni Amber at hindi nito kinakain ang lahat ng mga pagkain na dinadala niya. Ilang beses na nitong itinapon iyon it hurts but he deserves all the rudeness from her. Kaya nga pinapadala niya sa mga nurses ang pagkain nito dahil natatakot siya sa maaaring mangyari dito at sa dinadala nitong anak nila.

            Kapag nadadatnan niya ito ay kung hindi tulog ay nasa tabi ni Jair at binabantayan ang anak nila. Hindi talaga siya nito kinausap kahit anong pilit niya, makakapaghintay siya at magtitiis siya hanggang sa mapatawad na siya nito.

            “Daddy, do you love mommy?” nagulat siya sa tanong nito. His son is still three yet mas matanda pa yata itong mag-isip sa kanya.

            Ngumiti siya sa anak niya and truthfully he answered his son’s question. “Yes, baby I love your mommy so much.” Napansin niyang gumalaw ang katawan ng asawa niya ibig sabihin ay gising ito at nakikinig lang sa kanila.

            “Bakit mo siya sinasaktan kung love mo siya?”

            “Because daddy is such a jerk. Daddy hurt mommy a lot of times and missed a lot of chances too.” He sigh. “I hope mommy can forgive daddy.” aniya sa anak pero ang mga mata niya ay nasa asawa na nakahiga patalikod sa kanila.

Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon