CHAPTER SEVEN

223K 3.4K 134
                                    

 CHAPTER SEVEN

            KANINA pa naka-alis ang mga bisita nila at nakatulog na rin sa pagod si Jair. May sarili itong silid sa bahay ni Landon at doon tahimik na itong natutulog. Siya naman ay nasa sala pa at hinihintay ang asawa niya umalis kasi ito kanina. Napa-isip tuloy siya labag sa loob niya ang nandito siya. Hindi porke’t mahal niya ito ay gusto na niya itong makasama… kaya lang ang anak niya kasi eh. Pero bago siya pumayag ay sari-saring rules naman ang na-iset nito.

            1. Bawal makipagdate kung kanino sa loob ng three months.

            2. Dapat magkasama sa isang kwarto para walang maitanong si Jair.

            3. Magkasama sa lahat ng activities ni Jair sa school.

            4. Pwedeng isama si Jair ng mag-isa.

            At ang pinakaayaw sana niya sa lahat.

            5. Act as real husband and wife, legally and in many ways.

            Hindi niya maintindihan ang many ways na iyan kasi iba ang pumapasok sa isip niya.

            6. Pwede pa rin siyang magtrabaho.

            Iyan ang naipaglaban niya. Pinapili kasi siya nito kung alin ang sa mga rules ang iibahin niya. Pwede niyang piliin ang panglima but she can’t bear to stop her work… she loves to write at ngayon hindi nalang iyon trabaho para sa kanya. Kaya kahit na labag sa loob niya ay iyon nalang ang pinili niya. Pwede naman kasi niyang iwasan ito kapag may gagawin itong masama.

            Inaantok na siya kaya lang hindi niya alam kung saan siya matutulog kaya hinintay niya ang magaling na lalaking iyon. Kinuha niya ang kanyang laptop at pumanhik saka pumasok sa silid ng kanyang anak. Tumabi siya dito at binuksan ang laptop at nagsimula ng gumalaw ang mga daliri niya as if they have brains on their own.

            Napahikab siya at inihilig ang ulo sa headboard ng kama at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Balak sana niyang umidlip muna. She is the middle of her sleep when she heard the creaking of the door. Agad siyang napaupo ng tuwid.

            “Bakit dito ka natulog?” tanong ni Landon.

            Dahil inaantok pa siya kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang titigan ang mukha nito and feel the fast beating of her heart. “Halika let’s go to our room.” Nananaginip ba siya? Ginamitan kasi siya nito ng malambing na tono ng boses, hindi iyong nang-aaway, nambabanta at nanenermon. Sa mga paningin niya ngayon isa itong lalaking hindi makabasag pinggan, so gentle, sweet and caring.

            Nawala tuloy ang antok na kanina pa niya naramdaman. “I’m not sleepy na.”

            “Sorry I disturbed your sleep. Hinanap kita wala ka sa kwarto bakit hindi ka sa kwarto natulog?”

Royale Series 5: UNTIL I'M FORGIVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon