Chapter 32

1.3K 17 8
                                    

Pasensya, loka loka na kasi ako. Stressed out kasi ng bonggang bongga eh, idagdag mo pa yung mga panget na scenery sa canteen na nakabubulag sa mata. HAHA. (CHOS LANG YAN, NAGLALABAS LANG PO NG SAMA NG LOOB)

Ganyan ang nangyayari sa mga madrama, kahit walang kwenta naman ang pinagdradramahan =))

Ay ewan ko, move on! Let's be positive in life, okay?! Haha, here's chappie 32, enjoy and thanks sa paghintay :*

***

Elaine

"A-ano yun Dylan?" tanong ko habang naka-focus sa cellphone ko, kailangan kong madistract! Naiirita ako eh! >3<

"Tungkol satin 'to.." sabi niya tapos tumabi siya sa akin, ohshet, ano ba 'to. Lalo akong kinakabahan eh. >////////<

"H-ha? A-anong meron satin?"

Kinuha niya yung cellphone ko at pinatay, "Focus, this is an important matter." sabi niya tapos pinaharap niya ako sa kanya.

"A-ano ba kasi yun?"

"Kasi.."

"A-ano nga?"

"May sasabihin sana ako.. kasi..." bigla siyang tumayo, "Teka lang, may kukunin lang ako." 

Woah, ano naman kaya yung kukunin niya? Hinalungkat niya yung bag niya at may kinuha siyang box na para sa singsing. Teka, di kaya.... what?!

"D-Dylan, ang aga naman masyado... para saan yan? Bakit may ganyan ka?"

Tinitigan niya lang ako, "Ha?

"Masyado pa tayong bata.. di pa ako ready... tsaka baka magalit si Roxanne.." sabi ko at yumuko. 

"Ha? Anong masyado pa tayong bata? Di ready? Tsaka ba't naman magagalit yun? Ano ba yang iniisip mo? Di kita maintindihan eh." sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Kasi... teka... ano ba kasing laman niyan?"

Binuksan niya ito at may nakita akong papel sa loob, how great, "Nandito yung challenge na binigay ni Ms. Baracuba na gagawin natin simula bukas. Tayo ang roommates kaya tayo ang magkapartner."

Waaaah. Yun naman pala yun, ano ba yung inisip ko kanina?! Nasabi ko ba talaga sa harap niya yun?! Kahiya-hiya naman yun, napaka-assuming ko >_____<

"Teka, ano ba yung sasabihin mo sana kanina?"

"Wala, akin na nga yan! Pabasa." sabi ko at tumalikod para di niya mahalatang namumula ako sa sobrang hiya. >///////////<

Akala ko pa naman maaayos na yung problema namin sa isang box, yun pala ganun pa rin. Tss, dapat pala hindi ako nag-conclude ng pwedeng mangyari, nakakahiya talaga. -_____-

*Kring* *Kring* *Kring* (wagas tumunog)

Incoming Call:

Ulap

Tinignan ko muna si Dylan sandali at sinagot na yung tawag, aish, awkward >_____<

"Hello?"

("Uy, gala tayo, okay lang ba?")

"Sige..."

("Ge, sunduin kita.")

***

Kanina pa ako wala sa sarili ko, eh kasi naman, hindi mawala wala sa isip ko yung kahihiyan kanina kahit pa ako lang yung nakapansin... (sana)

Nagising na lang ako sa realidad ng tapikin ako ni Cloud sa pisngi, "Elaine, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala ha. Halos naubos na laway ko dito kakadaldal."

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon