Chapter 19

1.5K 15 20
                                    

Dylan

Bakit ngayon pa ako inatake ng allergy na 'to? Ang init ng temperature ko. Nagkakagulo na sila Elaine at Andrea sa pag-aasikaso sa akin.

Saan ba ako huling kumain ng sili? Wala akong maalala, akala ko wala na yung allergy ko sa pagkain na yun, yun pala meron pa din. Yup, may allergy ako sa sili, at automatic na nilalagnat ako kapag hindi nasosolusyunan kaagad.

"Elaine..." bulong ko.

"Hala, hala, ano bang gagawin ko Andrea?!" tarantang sinabi ni Elaine, paikot ikot siya sa kwarto ko. Wala pala sila Mommy, sila lang ang may kayang gumamot sa akin kapag ina-aallergy ako. Pag wala sila, yung maids namin. Eh saktong wala din sila, nagbabakasyon -_____-

"Yung family doctor kaya nila Dylan? Kunin mo yung phonebook sa sala, panget, dali!"

"Ako?" tanong ni Elaine.

"Hindi, si Jelo, panget dalian mo na!" agad namang lumabas si Jelo. Hindi ko na kaya, hindi ako makahinga.

Idagdag mo pa yung galit ko sa gagong Cloud na yun. Mapagsamantala. I'll deal with him as soon as he returns here.

"Hello, is this Dra. Patricia, the family doctor of the Santiago's? Yes Dra., actually Dylan is suffering and we don't know the cause of his fever. Yes, okay, okay, goodbye." yun lang ang naintindihan ko sa sinabi ni Andrea.

Dumating na yung doctor at may pinainom siyang gamot sa akin, hindi ko alam kung anong gamot iyon, ininom ko na lang.

"Sige na Elaine, mauna na kami ni panget ha, may pupuntahan pa kasi kami."

"May date pa kasi kami." nakita kong binatukan ni Andrea si Jelo, nagpaalam na sila ulit at umalis na.

"Pasaway ka talaga, tss." sabi ni Elaine at umupo sa kama ko.

Hinila ko siya sa tabi ko at niyakap ko siya, "A-ano b-ba y-yan Dyla--nn!"

Nakakatuwa yung reaksyon ni Elaine, nakangiting namumula. Parang kamatis sa pula eh.

Elaine

Ang sweet nila Andrea at Jelo, mukhang may namumuong pag-iibigan dito eh. Umalis na silang dalawa, mukhang tulog na si Dylan kaya naman umupo ako sa kama niya, "Pasaway ka talaga, tss."

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilain at niyakap, "A-ano b-ba y-yan Dyla--nn!"

Napapangiti ako, para kasing abnormal 'tong si Dylan! Akala ko tulog na, gising pa pala -____-

"Ui, uuwi na ako." sabi ko.

"Eh, wag muna. Wala akong kasama.." sabi niya.

"Hahanapin ako nila Mama."

"Hindi yun. Dito ka muna.. I need heat."

Ano ba 'tong pinagsasabi ni Dylan?! Pinagpapawisan ako eh!

"E-eh, a-ano b-ba y-yang sinasabi mo?!" tinutulak ko siya palayo.

"Sige na Elaine.."

"E-eeh! Ewan ko sayo!" tinulak ko siya na naging dahilan ng pagkahulog niya sa kama.

"Ui! Sorry!" sabi ko at pinuntahan ko siya sa sahig.

"Aray, tss." sabi niya tapos ay tumayo at bumalik sa kama, ay hindi ako pinansin?

"Dylan, masakit ba?" Malamang masakit, nagtanong pa e noh? Eh malay mo naman kasi, acting niya lang yun.. Magaling na actor yan eh -_____-

Humiga lang siya at nagtaklob ng kumot, "Uy, baka masuffocate ka sa ginagawa mo! Kausapin mo nga ako!"

Hindi siya sumagot, aba, humihilik na ang loko. Talagang tutulugan niya ako ha! Badtrip talaga, grr.

*KRING* *KRING*

May nagriring, pero di yung cellphone ko. Hinanap ko kung san yung ingay, sa bag pala ni Dylan. Yup, nagbabag siya. Ang arte e noh? Haha. Joke lang, madami kasing dala yan. Di ko nga lang alam kung ano yung mga yun, never ko pa kasing nakalkal yung bag niya.

And ngayon ko pa lang gagawin yun, naririndi na kasi ako dun sa tumatawag, sino ba kasi yun? Nakuha ko na din yung phone niya at tinignan yung pangalan nung caller.

Incoming Call:

Roxanne

Roxanne? Yung aso niya tumatawag? Wow ha, astig naman nun. Since naintriga ako kung sino ba talaga 'tong tumatawag, edi sinagot ko. Alangan naman di ko pansinin diba?

"Hello?"

("Hey Martin, I'm very sorry, I didn't know na may sili pala yung napakain ko sayo nung una tayong nagkita. Do you still remember that night? Sorry talaga. Nakalimutan ko kasing may allergy ka sa sili. And by the way, about those pictures, those were real okay? Basta maniwala ka, hindi kita niloloko. She's the one na nanloloko sayo.")

Nanigas ako sa pwesto ko. Kelan pa nakapagsalita ang aso? So that means... Mich lied to me. All this time kilala niya yung Roxanne na yun. I didn't even know na tao siya. Ang tanga ko lang para maniwala na may aso yang si Dylan e di naman nag-aalaga yan ng aso.

Pero now, nag-iinit ang dugo ko. Naiinis ako, sino ba 'tong babaeng tumawag na 'to? Ang kapal ng mukha niya ah. Siguro siya yung babae sa beach nung isang gabi. Yung tumawag sa kanya ng Martin.

("Hey Martin, are you still there?")

"This is not Martin. I'm his girlfriend."

("Oh, I see. Haha, sayang naman at hindi si Martin ang nakasagot.")

"Ano yung pictures na pinagsasabi mo ha?!"

("Bakit ko sasabihin sa iyo? Know it for yourself. Tss.")

"IKAW PALA ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT GANITO SI DYLAN NGAYON." Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon.

First, totoo pala yung Roxanne, tao pala yun, and close yata silang dalawa. Second, di ko alam kung anong sinasabi ni Roxanne na pictures, but nararamdaman ko na may kinalaman yun kung bakit galit sa akin si Dylan. And now, siya ang rason kung bakit nagkasakit si Dylan. What the hell is her problem?!

("Well, I don't think so. Sige, ingat ingat ka ha. Baka mamaya, nasa likod mo na ako. Remember, I'm your WORST NIGHTMARE.")

Nagtaasan ang balahibo sa braso ko ng marinig ko yun, siya yung.... yung psycho na tumawag sa akin! All this time, she's been watching me? Anong bang nagawa ko sa kanya ha? >______<

-----

Jodie's Note:

First of all, sorry kung lately matumal ang UD. Wala kasi ako sa mood and nawawalan na ako ng gana. Hay, ewan ko. Sadyang malungkot at madrama lang ako. 'CHOS! Hahaha.

Basta ayun, vote lang kayo if nagustuhan niyo ha? And feedback naman.

And ayan, nasagot na ang tanong kung bakit nagkasakit si Dylan. =))))

Sili lang pala e noh? X)

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon