Chapter 12

1.6K 17 8
                                    

First of all, pasensya na talaga kung matagal ang update ko dito.

May WB ako at ang hirap sundan nung last chapter.. Bangag ako eh, at at the same time, madaming projects, assignments, exams, quizzes this week. 

So pressure talaga, isingit mo pa ang pag-aupdate ko dito..

So salamat sa mga nakaintindi at sa mga matiyagang naghintay ng update ko.

Ayun, napapadami ang sinabi. Play ang song, para madrama ang pagbabasa.

Dejokelang. Haha, Enjoy reading! ^______^

----

Elaine

Paulit ulit na lang! Ako na lang lagi ang nagsosorry! Nakakapagod ng maghabol ha!

Pero dahil hindi ko kayang nag-aaway kami, ako lagi ang nagsosorry. Tss, ewan ko, napakamartyr! Tss.

"Hey, mag-usap nga tayo." sabi ko tapos ay hinila ko siya sa kamay.

Bahala na kung isipin niyang brutal ako, nakakasawa na 'to!

Hindi naman sa hindi ko na siya mahal.. eh kasi.. kahit ilan pang beses kong sabihing friend ko lang si Cloud, lagi siyang nagagalit. Ano ba kasi talagang problema niya dun sa tao?!

 "Ano bang problema mo?" tanong ko.

"Siya.." 

"Eh bakit ba ang init ng dugo mo sa kanya?"

"Maangas.."

"Yun lang?"

"Mayabang.."

"Babaw naman."

"At nagseselos ako."

I sighed, "Ilang beses ko ba kasing sasabihin na wag mo siyang pagselosan? Sinisira mo yung imahe ko dun sa tao eh! Kung puro away na lang tayo.. mag-cool off na lang kaya muna tayo? Like take a break muna?"

"Wh--aat?"

"I said, cool off. Pagod na ako, Dylan.. Lagi na lang away... Di ko na kayang maghabol. Ako na lang lagi ang nagsosorry.. I feel like I'm the only one who's doing something to make this relationship stronger.."

"Pero Elaine.."

"This is just a break, okay?"

"Bu--t.."

"No more buts. And by the way, don't mention this to our friends.."

"How long?"

"I don't know.. Siguro hanggang matanggap mo na si Cloud..."

Palakad na sana ako palayo nang magsalita siya..

"Kahit ilang beses mo pang sabihin sa akin na kaibigan mo lang siya, hindi ko maiiwasang magselos, kasi nga, takot akong mawala ka sa akin. Isa pa, hindi man ikaw ang gumagawa ng move, sa pagiging close niyo, he's taking advantage."

Natulala ako sa mga sinabi niya.. 

"Takot akong mawala ka sa akin.."

"Takot akong mawala ka sa akin.."

"Takot akong mawala ka sa akin.."

"Takot akong mawala ka sa akin.."

"Takot akong mawala ka sa akin.."

It kept on replaying in my mind.. GAAAH. Di ko alam kung kikiligin ako eh! Diba dapat galit ako? Pssh.  -______-

"Okay ka lang?" tanong ni Dylan..

"Ah, o---oo.."

Ngumiti na siya, "Basta, akin ka lang ha? Wag kang maghahanap ng iba.."

"Corny mo na."

"Di nga, basta ha?"

"Pssh, childish. Oo na."

Ngumiti siya at niyakap niya ako, "I can't promise na hindi na ako magseselos.. Pero please lang.. wag kang magagalit sa akin.. bati na tayo ha? Tsaka, wag mong imemention sa akin yang cool off.. di ko ata kaya.."

Anong sumanib kay Dylan? All of a sudden kung ano anong pinagsasabi -______-

"Nope.. Di pa din. I need to think.. and I need space.."

"Ha--a?"

"Paulit ulit? Basta, I just need some time.. Ako na mismo ang magsasabi kung kelan ready na ako."

"Okay.." nakakaawa yung mukha niya. Parang nasaktan siya. Ako din naman kasi nasasaktan.. Di ko gustong gawin 'to.. Pero kailangan..

Kailangan kong makapag-isip..

"Tara, balik na tayo." sabi ko at umalis na kami, at bumalik sa beach house. Napagod na kasi kami dun sa spin the bottle, mamaya, magkaroon pa ng gulo dun.

"Tutulog ka na?" tanong niya.

"Uhuh. Pagod na ako eh.."

"Sige.. Good night.."

"Good night." sabi ko at pumunta na sa kwarto namin nila Mich. 

Hay, tama nga kaya yung desisyon na ginawa ko? Sana nga tama. >_____<

Dylan

I don't get it.. Bakit kailangan naming mag-cool off?

I've explained my side naman na ah?

Never akong naka-experience nun..

Most of the time kasi.. ako ang nililigawan..

And ako ang nakikipagbreak..

I had relationships, pero di sila tumagal ng ganito.. Weeks and 1 month lang ang longest noon...

I don't take relationships seriously kasi..

Pero this time.. kay Elaine.. siya ang pangalawang babaeng sineryoso ko.. May isa pa.. pero let's not talk about her..

Maagang natulog si Elaine.. Di ako makapali..

Paano na lang kung may mahanap siyang iba habang cool-off kami?

At paano na lang kung gumawa ng move si Cloud?

"AAHHH! NEGATIVE THOUGHTS ALIS!" ginulo ko ang buhok ko. Para akong baliw dito, kung ano anong naiisip. >_______<

Incoming Call:

+639*********

Sino naman 'tong tumatawag? Unregistered number?

"Hello?"

"Dylan!"

"Who are you?"

"Silly. You don't remember? It's me, Roxanne."

Natulala ako.. si Ro--xannee?

Sino siya?

Ang babaeng una kong sineryoso.. Ang first love ko..

----

TENTENTENTEN! DUMATING NA SI ROXANNE!

Sino nga ba siya, at ano ang magiging role niya sa buhay nila Dylan at Elaine?

This is getting exciting! Weeeee >3<

Comment, vote please! Need feedbacks >3<

Yun lang, mwaah. :**

Jodie (dreamcatcher26)

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon