ILWAW 2

12.5K 305 4
                                    

Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon.

Ang samang panaginip!!!

Hinahabol daw ako ni Clover Araullo. Takbo ako ng takbo pero parang hindi naman ako lumalayo sa kanya kaya naabutan niya ako. Na-corner niya ako at saka aktong hahalikan sa labi. Mabuti na lang at nagising na ako!

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Kinukulam yata ako ng babaeng iyon! Hindi na maganda ito. Mabuti pa ay bumalilk na ako sa Canada sa lalong madaling panahon. Mababaliw ako dito sa Pilipinas kapag nagtagal pa ako. Mamaya, makikipagkita uli ako sa barkada para magpaalam na din. Mukhang matatagalan na uli bago ako bumalik dito sa Pilipinas habang hindi pa ako nakaka-isip ng solusyon sa problema ko kay Clover Araullo.

NAGTAKA ako nang nagtawanan yung tatlo kong kaibigan.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanila.

"Alam mo, nabigla ka lang siguro kasi naisahan ka ni Tito Felipe na ipakasal pero wag ka ngang exaggerated kay Clover." sagot ni Chad.

"Kahit pa sabihing arranged marriage yan. Ikaw pa ba ang choosy?" si Klarence naman samantalang tahimik lang si Adam sa tabi ko.

"Guys, si Clover Araullo yung pinag-uusapann natin dito ha. Yung Clover Araullo na kaklase natin nung High School. Naaalala nio ba?" tanong ko sa kanila.

"Yeah!"

"Oo naman."

"Oo."

Sabay-sabay nilang sagot.

"So, what is exaggerating there?" nagtatakang tanong ko sa kanila pero tinawanan lang uli nila ako.

"Alam mo, kung meron mang lugi sa deal na yan, si Clover yun hindi ikaw." nang-iinis na sabi ni Chad.

"What?" hindi ako makapaniwalang tanong ko.

Nagpaalam muna ako na pupunta ng CR. Medyo naiinis na ako sa kanilang tatlo. Akala ko pa naman nasa side ko sila mukhang hindi naman pala. Nagpunta ako sa front bar. Wala pa akong balak umuwi and I want to be wasted tonight. Hindi ko na alam kung sino pa ang kakausapin ko para hingan ng tulong sa problema ko.

"Isang Jack Daniels nga, Jayden." sabi ko sa bartender.

Since tamabayan nga naming apat itong bar kaya halos kilala na namin ang mga staff dito.

"Mukhang nagkainitan kayo dun ah, Sir Judd," nakangiting bati sa akin ni Jayden at saka mabilis na lumingon sa pinanggalingan kong mesa naming apat.

Nagkibit balikat muna ako bago sumnagot.

"Ewan ko ba! Hindi nila ako naiintindihan." sentimyento ko.

"Kayo pa ba? Maya maya lang okay na uli kayong apat." sagot nito sabay abot sa akin nung alak na inorder ko.

Straight kong ininom yung alak sa baso at saka nagsalin uli nang may marinig akong boses sa tabi ko.

"One tequila, please..."

Ewan ko ba. Parang naintriga ako sa boses nung babae kaya nilingon ko ito. Napakalambing kasi ng pagkakasabi niya nung order niya. Para bang yung mga nakatalik kong mga babae dati kapag gusto na nilang mag-all the way kami.

Naka-side view ito kaya napansin ko agad ang mahaba nitong pilikmata. Yung pouty lips niya na para bang ang sarap kagatin kapag kahalikan mo siya. At ang ilong niyang tamang tama lang ang tangos.

MADRIGAL SERIES: In Love with a Witch MS#1 Book 1 (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz