ILWAW 1

15.1K 316 1
                                    

 It's my second day here sa Pinas. I am not planning to stay long. Siguro mga dalawang araw pa at babalik na uli ako sa Canada. Lalo na ngayon na nalaman ko ang masamang plano ng mga magulang ko. Okay lang sana yung pinaplano nilang kasal . Papayag na ako kahit masama sa loob ko dahil wala talaga sa bokabularyo ang salitang kasal.

Pero of all women, si Clover Araullo pa? No way! Hindi nila ako mapipilit magpakasal kahit pa si Clover Araullo na lang ang natitirang babae sa mundo.

Bumangon na ako. I will do some routine workouts then will browse my emails. Baka may kailangan akong asikasuhin na sa office ko dun sa Canada. Kung hindi lang kasi naging demanding si Sophie may hindi pa kasi akong natatapos na project ko dun.

I saw a note from Mama sa bedside table ko.

Just went to the grocery iho. Will be back soon....

Si Papa, malamang nakaalis na din yun papunta sa office.

Minsan nagi-guilty din naman ako. Alam ko namang sa edad nila Papa, dapat nga ay nagpapahinga na siya from work. Kaya lang pag nag-stay naman ako dito sa Pilipinas for good, tiyak ipagtutulakan na naman nila akong mag-asawa. Katulad nga ng nangyari na ngayon. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko matatakasan ang pagpapakasal kay Clover Araullo. Dahil hindi ko iyon talaga gagawin.

Never.

Kailangan ko nang humingi ng advice sa mga kaibigan ko.

PAGKATAPOS kong mag-work out, mag-scan ng emails at mag-breakfast, naisipan kong mag-swimming muna sa pool namin. Nakakailang lapse palang ako nang dumating si Mama.

"Judd...," tila excited na tawag sa kin ni Mama.

Kita ko ang maluwang na ngiti nito. At kung hindi ako nagkakamali, sa tipo ng pagkakangiti ni Mama, parang nahuhulaan ko na ang sasabihin niya.

"Just saw Mareng Agnes sa grocery. Dumating din pala yung anak niyang si Zarah from Ireland. What a coincidence di ba?" nakangiting sabi nito.

Bingo! Playing cupid na naman si Mother.

Umahon na ako sa pool.

"I'll take a shower na, Ma." paalam ko sa kanya.

"Maganda yun! Si Zarah. Try mo lang siya i-meet." pangungumbinsi pa rin ni Mama sa akin pero nginitian ko lang siya.

"Nice try, Ma!" nakangiting sabi ko sa kanya.

PAGKAPASOK ko sa kuwarto ko ay agad kong nag-send ng messaage sa group chat ng barkada.

.

To: Grupo ng Hunks

Judd the Playboy

Mga bro. Same place tayo mamaya at 6pm sharp. Bawal umabsent ha.

.

Adam the Loyalist

Copy

.

Klarence Mapagmahal

Anong meron?

.

Chad the Bad Boy

Habol ako. May appointment lang ako ng 5pm sa Ortigas.

Judd the Playboy

I need your professional advices. By the way, sino naman ang nagpalit ng mga pangalan dito???

MADRIGAL SERIES: In Love with a Witch MS#1 Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon