PROLOGUE

31K 436 8
                                    

[Judd]

.

"Ladies and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you."

.

Paniguradong magugulat si Mama at Papa sa biglaan kong pag uwi. Ilang taon na nga ba since yung huling uwi ko ng Pinas? 2 years ago?

After I graduated High School dito, sa Canada na ako nag-stay at nagtrabaho. I like to live independently. Dinadalaw dalaw na lang ako dun ni Mama at Papa. Ocassionally umuuwi ako dito sa Pinas especially pag Christmas or New Year. Or minsan, sila Mama at Papa naman ang pumupunta sa Canada. Pero last year ay sa Spain kami nag-spend ng Christmas.

Pagkalabas ko ng airport ay agad kong hinanap ang sundo ko. Ang kaibigan kong si Adam. Siya lang ang nakakaalam na dadating ako ngayon. Actually, it was a short notice only. Pero alam ko namang wala siyang magagawa kung hindi sunduin ako.

"Judd!!"

Sinilip ko ang sakay nung pumaradang sasakyan sa harapan ko. Napangiti ako nang makita kong si Adam ang sakay nun. Agad akong naglakad palapit dito dala ang hand-carry kong bag.

"Yan lang ang dala mo?" takang tanong nito sa akin pagkasakay ko sa sasakyan niya habang nakatingin sa bag na dala ko.

"Oo." maikli kong sagot.

Ngumiti muna ito at saka pinaabante ang sasakyan.

"Bro, mukhang mabilisan ang pag-alis mo sa Canada ah. I bet, may pinagtataguan ka na namang babae doon." sabi nito.

Napatingin ako kay Adam, bestfriend ko. Actually, tatlo silang bestfriends ko. Si Adam, si Chad at Klarence. Since Elementary, hindi na kami mapaghihiwalay na apat hanggang High School. Nagkahiwalay lang kami nung pumunta na ako ng Canada para dun na mag-College. Hindi ko kasi gusto yung course na gustong ipakuha sa akin ni Papa. Ayaw ko mag-Business Administration. Ayokong i-manage ang family business namin.

Sa tingin ko kasi, mas mage-excel ako if IT course ang kukunin ko, Gusto kong maging Computer Programmer,

Habang si Adam naman ay Computer Engineering ang course pero mas pinili niyang magtayo ng negosyo. May tindahan siya ng computer parts and softwares at halos sa kanya kumukuha lahat ng maliliit na tindahan ng computers dito sa Pilipinas. Actually magbubukas na siya ng ikatlong branch niya.

"Pag umuwi, may pinagtataguan agad? Grabe ka sa kin, bro." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Bro. Kilalang kilala kita. Hindi ka uuwi dito ng biglaan kung hindi babae ang sangkot." sagot ni Adam.

Sinagot ko lang siya ng ngiti. Hindi naman ako mananalo sa kanya. Ganun niya ako kakilala.

"Mas gusto mo talaga sa Canada, noh? Ayaw mo bang mag-settle na dito sa Pinas?" tanong ni Adam sa akin.

"Bro, bukod sa dollar ang suweldo dun, ang mga babae dun liberated. Common na lang ang makipag-sex sa kanila kapag type ka nila." pagnmanalaki ko pa.

"Malibog ka talaga, noh!?" natatawang sagot nito.

"Mana lang sa yo, baliw!" sagot ko sa kanya.

"Eh paano naman yung business ninyo dito?" tanong uli nito.

"Kayang kaya naman ni Papa." kaswal na sagot ko.

"Pero bro, hindi ka ba naawa sa Papa mo? Dapat sa mga panahon na to pa-easy-easy na lang sila ni Tita Adelle. pa-travel-travel"

MADRIGAL SERIES: In Love with a Witch MS#1 Book 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now