Chapter 13

292 14 3
                                    

Chapter Thirteen

Matapos kong makarecover sa pag-alis nung Mokong at nung first kiss ko ay nagtungo ako agad sa kwarto ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano na nangyayari sa akin. Basta ang malinaw lang sa akin ay ninakaw nung Mokong yung first kiss ko!

Hindi ko maalis ang daliri sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang mainit at malambot niyang labi. Di ko maiwasang mapangiti at magpagulong-gulong sa kama.

Sh*t!

Ngayon, sigurado na ako. Kinikilig ako! Waaah!

Tama ba 'tong nararamdaman ko? Alam kong gusto ko si Vincent. Pero si Ralph? Gusto ko na rin ba siya? Pero gugustuhin ko bang ma-inlove sa kanya?

Kasi lagi niya akong iniis at inaasar. Arogante siya at mayabang, makulet, sobrang gwapo kaya lapitin ng mga babae, chickboy... Pero responsable din naman, mabait, matalino, mabuting kaibigan, okay naman sila ng parents ko at di ko maipagkakaila na attracted ako sa kanya... pero...

Arghhh!

Hindi ko na alam! Ngayon ko lang siya naconsider as a guy na pwede kong mahalin. Dahil madalas, kung hindi sa listahan ng mga taong kinaiinisan ko, nasa listahan siya ng mga taong pinagkakatiwalaan ko - my circle of trust. Parang ayaw ko siyang mawala doon at natatakot ako na pag sinubukan ko siyang mahalin, pwede rin siyang mawala doon.

He seems to be both the wrong and the right guy for me. Ang gulo-gulo na... Mas lalo pa nagulo dahil sa first kiss na yun.

Damn it!

Itutulog ko na nga lang. Baka sakaling mas maging malinaw ang lahat pag nagising ako.

----

Unfortunately, pagkagising ko... magulo pa rin ang lahat. Tiningnan ko ang telepono ko at wala pa ring pagpaparamdam na ginawa yung Mokong. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil binibigyan niya ako ng panahon para mag-isip, o magagalit ako dahil pagkatapos niya kuhanin ang pinakaiingatan kong first kiss ay bigla na lang siya mawawala.

Sh*t!

This is insane! Nababaliw na ata ako.

Sinubukan kong libangin ang sarili ko. Sinubukan ko iwaglit sa isipan ko ang first kiss ko at ang hindi pagpaparamdam ni Ralph. Ngunit sa kasamaang palad, palaging sumasagi sa isip ko ang malambot na labi ng Mokong. Di rin nakakatulong ang halos minu-minutong pagtingin ko sa telepono.

Wala pa ring pagpaparamdam. Unti-unting nauubos ang pasensya ko. Damn it!

-----

Lumipas ang weekend na walang Ralph na nagparamdam. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala na baka may nangyari sa kanya kaya di siya nagpaparamdam, lungkot pagkat kahit anong pigil ko, di ko maiwasang mamiss yung tao at galit at inis dahil tila balewala ang pagnanakaw niya sa first kiss ko. Ngunit ganun pa man, mas nangingibabaw ang pag-aalala at lungkot.

Naging kapansin-pansin rin daw ang pagiging matamlay ko ayon sa mga kuya ko at kay Yaya. Ngunit pilit naman din nila akong iniintindi kahit palaisipan sa kanila kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko rin kasi masabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil kahit man ako di ko maintindihan ang mga kabayo at palaka ko sa katawan.

Haaay.

Monday na ngayon, at kahit paano umaasa ako na magkasabay kami ni Ralph na pumasok, pero pagkababa ko laking disappointment na si Kuya Sean ang nag-aantay sa sala para maghahatid sa akin sa Univ. At natural, sabay sa akin si Katkat na katabi ni Kuya sa may sofa. Agad ko silang binati.

"Oh malayo pa ang Biyernes Santo bakit ganyan ang mukha mo?" puna ni Katkat ng makita ako.

Hindi ako sumagot at sumimangot lang ako lalo.

"Meron ata yan, nung Sabado pa yan ganyan eh." Pang-aasar naman ni Kuya Sean. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pag-lalakad patungong sasakyan.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya huwag kang sumabat diyan." Pagtataray ni Katkat sa Kuya ko. "Hindi ka ba magbrebreakfast?" Dagdag na tanong nito na mukhang para sa akin.

Umiling na lang ako at patuloy na naglakad patungong garahe. Narinig kong may hinirit pa muli si Kuya Sean ngunit hindi ko na ito inintindi dahil si Katkat na ang sumagot para sa akin. Eto na naman sila, aso't pusa na naman ang peg. Hinayaan ko na lang ang dalawa magpatayan at magbangayan sa sasakyan. Wala ako sa mood na maging referee nila ngayon. Isinaksak ko na lang ang earphones ko at nagpakaemo habang iniisip yung bwisit na Mokong na 'yon.

Buong araw na lumipad ang utak ko lalo na't wala pa ring Ralph Andre Gordon na nagparamdam. Libo-libong senaryo na ang naiisip ko sa kung anong nangyari sa Mokong. Mabuti na lang at sa isang linggo pa ang finals namin. Kundi, baka mabokya ako dahil sa kakaisip ng kung ano-ano tungkol sa kanya.

Sh*t! Nakakainis!

Bakit ba kasi ayaw niya mawala sa isip ko? Ginayuma kaya niya ako o kinulam?

Bigla ko na namang naalala ang mga mapupula at malalambot niyang mga labi.

Damn it!

This has to stop!

Nang matapos ang klase ko ay nagtungo ako agad sa parking upang antayin ang sundo ko. Nagbabakasakali pa rin akong magkikita kami ni Ralph, at hindi nga ako nabigo. Natanaw ko ang barkada ni Ralph na nakatambay sa tabi ng isang sasakyan. Nilibot ko ang mata ko at sa di kalayuan ay nakita ko na rin siya. Nakatalikod ito at tila may kausap sa telepono. Hindi ko maiwasang mapangiti at tila nabuhay lahat ng alaga ko.

Agad akong lumapit sa kinakatayuan nito. Wala na akong pakealam na ako ang unang lumapit sa kanya. Nilunok ko na lahat ng pride ko, ang gusto ko lang makausap siyang muli. Habang papalapit ako sa kanya ay lalo ring paglakas ng pagkabog ng dibdib at lalong nagwawala ang mga alaga kong palaka sa tiyan.

"Opo... opo... malapit na rin ako matapos..."

Malambing ang pakikipag-usap niya sa kabilang linya. Ang kaninang ngiti ko ay nawala at napakunot ang aking noo sa turing niya sa kausap sa telepono.

"Di naman sa ganoon, hon. Siyempre namimiss din kita..."

Natigilan ako sa paglalakad. Ano daw?

'Hon'? 'Hon'... na namimiss daw niya?! Sh*t. 'Hon' na namimiss niya! 

Tila may isang bombang sumabog. Hindi ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi. Ang alam ko lang kinailangan ko ng umalis dito. Agad akong tumalikod at tumakbo palayo. Ang kaninang mga nagwawalang alaga ko sa tiyan ay tumigil at tila napalitan ng isang malaking semento na dumagan sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi ko habang tumatakbo. Hindi ko mapigilang isipin na hindi siya nagpaparamdam sa akin dahil may namimiss siyang iba. Lalong bumuhos ang akin luha. Damn it! Bakit ganito? Hindi ko siya maalis sa isip ko pero parang wala naman ako sa isip niya. Wala bang halaga sa kanya ang isang halik? 

Napatigil ako sa pagtakbo nang matanaw ko ang sasakyan namin. Agad akong pumasok at naupo sa likuran. Nahalinhan ako nang makita na si Manong Mario, ang driver ni mommy, ang sumundo sa akin ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko mapapaliwanag sa mga kuya ko ang patuloy na pag-agos ng luha ko. Napansin kong sumulyap sa akin si Manong Mario. Laking pasasalamat ko at hindi na ito nagtanong at pinaandar na lang ang sasakyan.

Sh*t! Sh*t! Sh*t!

Ayoko ng ganito!

Damn it!

Bakit ganito? Bakit ba ako nasasaktan ng sobra-sobra? Ito ba ang idudulot ng pag-isip sa kanya? Kung ganito nga, dapat hindi niya lang ginugulo isip ko. Dapat hindi ganito ang nararamdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon