Chapter 7

301 20 8
                                    

Chapter Seven

Dahil naubos ang oras namin sa paglilinis ng damit ko, hindi na kami nakapaglunch. Kaya naman ang mga alaga ko sa tiyan ay nagwawala na sa gutom pagdating sa sunod na class. Parang gusto ko nang magcut classes dahil sa sobrang gutom pero nanaig ang pagiging model student ko kaya tiis-ganda ako sa klase.

Hmmmm... Pero in fairness, ang bango ng jacket niya. Sarap amuyin... Ano kaya gamit na pabango nung Mokong?

Ilang sandali ay bigla kong naramdaman ang phone ko na nagvibrate. Pasimple ko itong tiningnan dahil baka importante.

From Babe:

Go outside. I have something for you.

Utos nito at natanaw ko naman siya sa labas at sinenyas ang isang paper bag na may logo ng Jollibee! Waaaaaaaaaa! Natakam naman ako kaya agad akong nag-excuse sa prof upang puntahan ang Mokong.

"Here. I know your hungry. Wala ng masyadong matinong food sa caf kaya I decided to buy you something. Sorry yan lang kasi pinakamalapit dito." Paliwanag nito.

"Ano ba, okay lang. Favorite ko kaya tong chicken joy at jolly spaghetti!" Saad ko at excited na binuksan ang pagkain at agad inupakan ang mga ito.

Waaaaaaaaa! Ang sarap! Tuwang-tuwa ang mga alaga ko sa tiyan dahil mabubusog sila.

Bigla akong napatingin kay Ralph na nakatitig sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. "Oh, bakit ka ganyan makatingin?"

"Wala...ang cute mo kasi." Nakangising saad nito..

Nagwala na naman ang mga alaga ko sa tiyan at nagtatalon sa sinabi niyang 'yon pero sinubukan ko pa ring maging composed. "Weh?! Wag kang echosero.." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ng spaghetti.

Matapos ang ilang subo at ilang kagat at naubos ko ang spaghetti at chicken joy. Ganun ako kagutom.

"Mamaya pala, sa 'kin ka na rin daw sumabay pauwi dahil may meeting si Kuya Gabe mo at para di na hassle sa Kuya Sean mo." Saad nito at tumango nalang ako.

"Salamat pala dito." Sinsero kong sabi dito pero imbis na tumugon ito ay bigla itong lumapit sa akin.

Waaaaaaaaa! Ang mga palaka ko nagtatalon na naman!

Palapit siya ng palapit. Sh*t! Anong gagawin nya?! Waaaaaaah!

Nang halos ilang sentimetro na lamang ang lapit nya ay napapikit ako. Waaaaaah!

Laking gulat ko ng may maramdaman akong dumaplis sa may labi ko.

"May sauce. Pinunasan ko lang." Bulong nito na nagpatigil sa puso ko. "Sige, mauna na ako. See you later, Baby Girl." Saad nito na nagpamulat ng mga mata ko.

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon