Chapter 5

377 17 8
                                    

Chapter Five





"Eeeeeeeeeeeeekkkkk!!"

Napabangon ako bigla nang marinig ang isang tili. Napatingin ako sa salarin at nakita ko si Katkat na may napakalaking ngiti habang napakalumbaba at nakahiga sa kama ko.

"Sh*t! Katkat! Akala ko kung ano na, ikaw lang pala!"

"Ehhhh... Kasi naman Andie, di mo nasabi na gwapo naman pala itong si Ralph!" Kilig na kilig na sabi nito. "At hindi lang siya basta gwapo ah... Ang hot niya rin ah. He's on fire, sis!" Dagdag pa nito.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil mukhang ang utak nito ay lumipad sa sexy hot body ni Ralph. Well, di ko sya masisisi. Tiningnan ko ang orasan, at nakitang alas-tres na pala ng hapon. Wow, at andito pa rin ang Mokong.

"Aminin mo, sis, ang gwapo at hot niya diba?!" Nakangising saad nito sa akin.

"Tsss... Oo na, hot na at gwapo yung tao." Pag-amin ko. What's the use of lying? Eh, obvious naman.

"So, gwapo at hot ako?" Tanong ng isang boses na ikinagulat ko.

"Ay! Gwapo!" Sigaw ko sa gulat ng makita si Ralph na nakahalukipkip sa may pintuan ng kwarto ko.

"Thank you Baby Girl for the compliment." Nakangising saad nito.

"Che! Di ikaw ung pinag-uusapan namin noh!" Pagsisinungaling ko.

"Oh, really? Sino naman?!" Paghahamon nito.

"Si..." Napaisip ako agad. "Si Vincent!"

"Wha--- araaaay!" Sigaw ni Katkat ng bigla kong tadyakan ang paa nya para di mabuko ang kasinungalingan ko. Tiningnan nya ako ng masama at nag-peace sign ako.

"Whatever. Baba na raw kayo. May meryenda." Saad nito sabay walk out.

Tssssss.

"Ikaw ha, bakit di mo sinabi na siya naman ung hot at gwapo?" Mapanuring tanong ni Katkat.

"Di ako aamin sa harap nya noh, baka magfeeling na may gusto ako sa kanya. Yuck!" Paliwanag ko dito.

"Wala ka ba talagang gusto sa kanya?" Tanong nito na nakataas pa ang kilay.

"Eeeeew! Kadiri ha! Ayoko sa mga feeling na katulad nya, at saka, I like someone else nga, diba?" Saad ko.

"Okay, sinabi mo eh. Tara na nga. Naghihintay ang pagkain!" Excited na sabi nito.

Agad naman kaming nagtungo sa garden kung saan nakahain ang meryenda namin. Nandun na rin si Kuya Sean at Ralph na tahimik na kumakain.

"Wow! Clubhouse Sandwich!" Sigaw ni Katkat, at diretso upo sa isa sa mga bakanteng upuan. Uupo na rin sana ako sa isa pang bakanteng upuan nang pigilan ako ni Ralph.

"Whopps! Dyan si Gabe nakaupo." Saad nito na seryoso ang tingin.

Tsss. Problema na naman ba nito?!

Tiningnan ko ang paligid ng lamesa, apat lamang ang upuan doon. Kung ganun, "Saan ako uupo?" Tanong ko.

"You'd be seating on my lap, Baby Girl." Saad nitong nakangisi sabay kindat pa sa akin.

"What?! ASA ka!" Inis na saad ko.

Akakmang hihilahin niya ako, ng mapatili ako. Tawa naman ang ginawang tugon nito at pilit akong pinapaupo sa kandungan niya, nakapalupot ang mga kamay niya sa tiyan ko. Waaaaaa! Diyos ko! Bata pa po ako! Waaaaaaa!

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon