Prologue

140 2 4
                                    

Prologue

Akirra Celinne's POV

"Acky!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

Napakunot-noo ako ng makita ang kaibigan kong si Bea na humahangos sa pagtakbo palapit sa akin.

"Oh? Bea, bakit ka ba tumatakbo? Ayan tuloy, hinihingal ka na." takang-tanong ko sa kanya.

Hinihingal na nagsalita si Bea. "Ang bilis mo kasing maglakad. Para kang hindi sampung taong gulang na bata eh."

"Eto tubog oh." inabot ko sa kanya ang walang bawas na mineral water na kabibili ko pa lang. "Bakit mo ako sinundan? Akala ko ba kina Annie ka sasabay pag-uwi?" tanong ko sa kanya.

Si Annie ay isa sa mga kaibigan namin. Inaya ko siyang maupo saglit sa bench na malapit sa gate ng school.

Matapos niyang makainom ng tubig ay saka siya nagsalitang muli. "Eh kasi.." may kinuha siya sa bag niya. "Sabi kasi ni Melba, ibigay ko daw sa'yo 'to." inabot niya sa akin ang isang maliit na bear na kulay violet. "May nagpapabigay daw." uminom ulit siya ng tubig.

Sinipat-sipat ko ang maliit na bear. Maganda ang kulay ng bear. Voilet. Ang favorite color ko. Tumingin ulit ako kay Bea. "Kanino daw galing?" tanong ko. Nagkibit-balikat lamang siya.

"'Pag ba swimmer? Mabilis din maglakad?" biglang tanong ni Bea na ikinapagtaka ko. Ngumiwi siya saka nagsalita. "Ang bilis mong maglakad eh." sabay na lang kaming natawa sa biro niya.

"Puro ka talaga biro, Bea. Ano? Sa akin ka na ba sasabay?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Pinauna ko na si Annie eh. At saka, dadaan pa daw sila sa bookstore." sagot ni Bea. Tumayo na kami at naglakad palabas ng school. Sabay na kaming umuwi, pati magkapit-bahay lang kami.

**********

"'Nak? Nagawa mo na ba ang mga assignments mo?" tanong ni Mama ng sumilip sa pint sa kwarto ko.

"Opo, Ma." sagot ko. Nakahiga ako sa kama habang tiniingnan ang maliit na kulay violet na bear.

"Kanino galing 'yan?" tanong ni Mama na lumapit sa akin at naupo sa gilid ng kama ko.

Bumnagon ako at sumandal sa head board ng kama. "Hindi ko nga po alam, Mama eh. Binigay lang po ni Bea kaninang uwian. Sabi niya, sabi daw ni Melba ay ibigay sa akin. May nagpapabigay daw." mahabang paliwanag ko kay Mama.

Ngiti lang ang isinagot ni Mama. "Uy, anak ko. Dalaga na. May secret admirer na." tudyo ni Mama.

"Nye! Mama naman, may nabigay lang, admirer agad? Hindi po ba pwedeng bigay lang talaga?" tanong ko kay Mama.

Tumawa lang si Mama. "Ikaw talagang bata ka. Minsan, iniisip ko kung kanino nagmana ang pagkapilosopo mo. Sinabi kong dalaga ka na kasi, baka 'yang nagbigay niyan sa'yo ay may gusto sa'yo." sabi ni Mama.

"Ma? 'Pag may nabigay, may gusto agad? Hindi po ba pwedeng baka mali lang ng napagbigayn?"

Mas lalong tumawa si Mama. "Kanino ka ba talaga nagmana?" ginulo-gulo ni Mama ag buhok ko.

"At least, nasa lugar po ang pamimiliosopo ko." nakangiting saad ko kay Mama. "At saka, Ma. ten years old pa lang po ako. Bawal pa po 'di ba?"

"Ang sabi naman ng Papa mo, bawal ang magpaligaw. Wala naman kaming sinabi na bawala magkaroon ng admirer eh." sabi ni Mama. "Humahanga lang siguro siya sa'yo."

"Ano naman pong hahangaan niya sa akin? Madami naman na po akong fans sa pagiging swimmer ko." biro ko kay Mama na may halong katotohanan.

Halos lahat kasi ng mga classmates ko ay hanga sa galing ko lumangoy. 'Yung iba pa nga at gusto pang magpaturo.

Ngumiti na lang si Mama. "Baka ang ugali mo ang nagustuhan niya sa'yo."

"Malabo pong mangyari 'yon. Mga friends ko lang naman po ang ka-close ko. Minsan ay hindi pa ako namamansin. Ano naman pong kahanga-hanga 'don?" nagtatakang-tanong ko kay Mama.

Muli lang ngumiti si Mama. "Malay mo, may isang ugali ka na nagustuhan niya sa'yo. Mga mga katangian ka na hinangaan niya."

Kunot-noong tumingin ako kay Mama. "Ikaw ha, Ma. Lagot ka kay Papa, kunsiditor." yumakap ako kay Mama. "Joke lang."

Tumawa lang si Mama. Matapos ang maikli naming kwentuhan ay lumabas na si Mama ng kwarto ko at sinabihan akong matulog na.

Nahiga na akong muli sa kama, nagkumot ako ng hanggang baywang lamang. Muli kong pinagmasdan ang maliit na bear. Kanino nga kaya galing ito? May katotohanan kaya ang mga sinabi ni Mama?

Na may isang tao sa school na humahanga at nagkakagusto sa akin? Parang imposible naman 'yon. Pero? Posible kaya? Ah! Ewan!

Inilapag ko sa may side table ko ang maliit na bear. Pumikit ako hanggang sa makatulog na ako.

A/N: new story.. salamat po.. :P

Admiring My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon