AMSA 4

27 1 0
                                    


Chapter 4 


Bea's POV


"Anyare 'don?" natatawang tanong ko. "Nag-walk out bigla." tumawa lang din si Melba sa sinabi ko. Paano kasi, parehas naming alam ang dahilan kung bakit nag-walk out ang pinsan niya.

"Baka nagseselos sa admirer ni Acky." tumatawang sabi ni Melba. Si Acky naman, parang walang muwang sa mundo. Hindi maintindihan ang pinag-uusapan namin.

"Bakit naman siya magseselos? May pagsintang lihim ba siya kay Acky?" halos humagalpak na kami ng tawa ni Melba. 

Noong isang araw ko lamang nalaman na ang pinsan ni Melba ang matagal ng admirer ng kaibigan kong si Acky. Nako-curious na kasi ako. Naalala kong si Melba ang nagbigay sa akin ng maliit na bear para ipabigay kay Acky, kaya si Melba ang kinulit ko.

Noong una ayaw pa sabihin. Pero dahil makulit ako. Napilitan siyang sabihin kung sino. Nagulat pa nga ako na pinsan pala niya ang admirer ni Acky.

Kaya naman ang sarap asarin ng pinsan ni Melba. Ayaw pa kasing aminin eh. Mas pinapatagal pa.

"Anong pinagsasabi ninyo?" nagtatakang tanong ni Acky. 

Parehas lang kaming nagkibit-balikat ni Melba at nagpipigil ng tawa. Umiling-iling na lang si Acky. Wala din naman siya mapapala kahit pilitin niya kami. Nagkasundo na kasi kami ni Melba na hahayaan namin na ang pinsan niya ang umamin at magsabi ng nararamdaman niya kay Acky. 

**********

 Akirra Celinne's POV 


"Bea!" tawag ko sa kaibigan kong si Bea. Kalalabas lang niya ng classroom. Kakatapos lang siguro ng klase niya. "May gagawin ka ba?" tanong ko ng magkalapit na kami. 

"Wala naman, bakit?" tanong niya.

"Samahan mo naman ako sa pool." pakiusap ko sa kanya.

"Bakit? Wala kang practice ngayon 'di ba?"

"Oo, eh may nakalimutan kasi ako sa locker ko kahapon." sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko siya sa braso. "Samahan mo na ako. Please!" nag-beautiful eyes pa ako sa kanya.

"Ang arte mo ha. May pa-ganyan ganyan ka pa. Batukan kita eh." kunwaring inis na sabi niya. "Tara na, tapos ilibre mo akong ice cream." nag-pout naman ako sa sinabi niya. Libre na naman? 

Inihilamos lang niya ang kamay niya sa mukha ko. "Oo na." sabi ko na lang. Naglakad na kami patungo sa locker room sa pool. 

"Galing nga pala ako sa CR kanina, hindi ako naghugas ng kamay." hindi ngumingiting sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at kumuha ng panyo. Halos matanggal na ang balat ko sa pagpunas ng mukha ko. "Kadiri ka!" diring-diri na sabi ko.

Tumawa lang si Bea. "Bawal mag-joke?" natatawang tanong niya. Inirapan ko lang siya. Nakarating na kami sa may entrance ng pool. Nakita naming palabas si Mr. Adbenson at nagpalinga-linga pa bago tuluyang umalis.

Nagkatingin na lang kami ni Bea at nagkibit-balikat. Tinungo na namin ang locker room at lumapit ako sa locker ko. Nagtaka ako ng makitang may nakaipit na papel at maliit na bulaklak. 

Tiningnan ko muna si Bea na nakamasid lang sa akin bago ko binuksan ang locker ko. Sa pagkakabukas ko, nalaglag ang papel na isa pa lang sulat at yung bulaklak. Dinampot ko ito. 

"Acky." basa ko sa nakasulat sa labas ng nakatuping papel. 

"Kay admirer." sabi ni Bea. Binuksan at binasa ko ang laman ng sulat. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Admiring My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon