Chapter Thirty-Four

45.6K 1.2K 167
                                    

Chapter Thirty-Four


EVERY THING flies so fast, katatapos lang ng finals nila. Halos lahat ng mga students ay sobrang saya dahil sa wakas ay semestral break na. Ang mga nakatira sa dorm ay pwede ng umuwi at makasama ang kani-kanilang mga pamilya. Habang siya ay nandito at dinadasal na sana ay hindi na dumating ang bukas dahil bukas na bukas ay ang kasal nila ni Clive. Dapat ay hindi na siya nakakaramdam ng ganitong kaba dahil sa simula pa lang ay arte lang ang lahat. Bukas ay tuluyan na siyang magiging Mrs. Libiran. Dapat maging masaya siya dahil sa mangyayari ay nalalapit na rin ang paghaharap nila ng kanyang mga magulang pero hindi siya kalmado. Mas tamang sabihin na sobrang kabado niya, nakakakaba kaya nga hindi siya nakasagot ng maayos.

Ang mga kaibigan niya ay mas excited pa sa kanya. Tama bang makaramdam siya ng kaba kahit hindi naman ito totoo?

And tomorrow is her 21st birthday. Muntik na rin niyang makalimutan iyon dahil sa kasal. Noong iset ang kasal ay hindi niya naisip na birthday nga pala niya iyon dahil sa masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Hex, sa hotel na tayo magkikita tonight. You need to sleep early dahil bukas na is your big day." Excited na turan ni Chloe. Si Chloe ang nagdesign sa gown niya. Iyong gown na gusto ni Clive may idinagdag lang ito at medyo iniba ang design. Ito rin ang nagtahi. May sariling buhay ang mga daliri ng kaibigan niya kaya nga kahit na ibang kurso ang kinuha nito ay sinabi na nitong hindi nito iyon ipapractice dahil nahanap na rin nito sa wakas ang calling nito. Of course nanghihinayang siya dahil anim na taon din ang pag-aaral nito tapos hindi nito itutuloy ang pagiging dentista. "Do you want to fit your wedding gown for the last time?"

"Chloe gusto mo bang malasin ang wedding?" tanong ni Diana. "Bawal isuot ang wedding gown dahil baka hindi matuloy ang kasal."

"Pamahiin lang naman iyon." Sagot naman ni Zyrene.

"Walang mawawala kung maniniwala tayo, prevention is better than cure." Si Karylle.

"Girls, huwag na kayong mag-away. Everything will be okay tomorrow."

"I am so excited for you Hexel." Ngumiti lang siya sa mga kaibigan niya. Monique just tapped her over her shoulder. Everything will be fine she hopes so.

Naunang pumunta ang mga kaibigan niya sa hotel dahil may suites ang mga ito doon. Umayaw si Monica na maging maid of honor at bride's maid niya. Sabi nito pakiramdam daw nito ay parang may nagawa itong mali kapag naging part ito ng entourage so she ended up being her wedding singer. Si Monique naman ay ganoon din, ayaw din nito dahil alam nitong hindi siya magiging masaya at ayaw itong maging bahagi ng isang event na hindi siya buong masaya. Gette refused as well dahil covered ng mga press ang naturang kasal, natatakot itong makilala ng mga tauhan ng sindikatong kinabibilangan nito. At ayaw din nitong madamay siya at ang pamilya ni Clive kapag Nakita ito doon. Gette even said she won't be in the reception pero kasama ito sa hotel. Ainsley can't pose as well since ito ang wedding coordinator and organizer nila. she will be busy running around and checking if every thing is okay.

In the end, Zyrene ends up being her maid of honor. And Karylle and Diana are her bride'smaid and Chloe for the veil and Crischelle for the cords.

Hindi siya sumama sa mga ito dahil sinabi niyang may pupuntahan pa siya, ang totoo ay ilang oras din siyang nanatili sa opisina dahil may kailangan pa siyang tapusin. Clive didn't even bother calling her, he never did unless he was told to. Kapag may church rehearsal sila ay saka lang siya nito kinakausap at alam niyang pilit pa dahil ayaw naman talaga siya nitong makausap in their first place. He remains cold and distant.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDWhere stories live. Discover now