Chapter Thirty-One

42.2K 1.2K 125
                                    

Chapter Thirty-One


"Hexel." Tawag nang lola niya sa kanya ng makita siya nitong papalabas ng kanyang silid. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" her grandmother looks so happy. The exact opposite of her emotions but somehow seeing her grandmy happy makes her feel at ease as well.

"Wala naman po grandmy." Ang sagot niya dahil wala naman siyang maisip na magandang sasabihin dito. "Bakit po?" Tumikhim ito at may inilabas na newspaper. It's one of the leading newspapers in the country. "Wala pa po akong naiko-close na deal lately, hindi po kasi ako ang uma-attend ng mga meetings dahil malapit na ang finals." Paliwanag niya.

"Oh no, it's not about business." Lumapit sa kanya ito at ipinakita sa kanya ang frontpage ng naturang newspaper. Napakunot ang noo niya ang picture niya doon at sa kabila naman ay picture ni Clive. Agad niyang kinuha ang newspaper at binasa ang headline. Kahapon lang sila nagkausap ng lalaki pero may ganito na? "You've already made your decision!" halata sa boses nito ang sobrang galak. Kaya nga hindi niya masabi ang takot niya sa pagpapakasal kay Clive dito dahil ayaw niyang mawala ang saya sa mukha nito. "I am so happy for you hija. I want to talk to this young man, can you call him over?"

"Ho? Ti-tingnan ko po."

"On the other hand ang mga magulang nalang ni Clive ang tatawagan ko. Finally, ikakasal na ang apo ko."

Pinilit niyang ngumiti dito at ipakitang okay lang siya. May klase siya ngayon pero hindi siya papasok. Hindi dahil sa may business meeting siya o ano, ayaw lang niyang makita muna ang mga kaibigan niya. Alam kasi niyang hindi pa stable ang takbo nang kanyang utak at maaaring maapektuhan ang emosyon niya kapag nakita niya ang mga ito. Gusto lang niyang umalis at mag-isip nang mag-isa.

"Kayo po ang bahala grandmy." Masayang pumanhik sa library ang lola niya at siya naman ay binasa ang nakasulat sa headlines. Business rivals soon to tie the knots. "This is so public." Tanging nasabi lang niya. She turned off her phone and immediately went outside to look for her bike. Gusto niyang mag-ikot-ikot, uminom ng kape, manood ng sine, bumili ng mga books at kung anu-ano ng mag-isa. She wants to remember how she was before she met her friends and when this mess happens. Masyado siyang nafocus sa mga importanteng bagay na pati sarili niya ay nakalimutan na niyang alalahanin.

"Ate."

"Ah, Ross." Aniya sa pinsan na nakasakay din sa bike nito. "Wala ka bang pasok?"

"Absent."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "And why did you do that? Alam mong masama ang mag-absent nang walang dahilan."

"May dahilan ako ate at importante."

"May sakit ka?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ka masaya at sa tingin ko kailangan mo ng kasama." Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na ang pinsan pa niya ang magsasabi nang totoong nararamdaman niya sa kanya. "Gusto mong mag-ikot-ikot? Tulad nang dati, noong bata pa tayo."

Tulad ng dati...

"Sige."

"Race tayo."

"Sige ba ang mahuli ay manlilibre ng ice cream." They lined up for an invisible starting line.

"Go!" sigaw ni Ross at nauna na sa kanya.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon