Weather No. 13 *Sorry Gift*

113K 1.3K 195
                                    


READ--COMMENT---VOTE---LIKE

(This chapter is dedicated to all of the readers. Touch ako sa inyo guys. *tulo-laway* Ahy! Este *tulo-luha*)



Weather No. 13


 

 

((-Alex's POV-))

 

 

 

"SEPAL!"

 

*BUGSH!

"Ouch ah! Dagu ka talaga Ethan!" sabay sapak sa kapwa ko gangster na si Ethan Villa. Nagkakilala kami sa dati kong school. Ewan ko ba dyan at lagi akong kinukulit na isama sa gang nila. Adik lang eh. Leader siya ng Death Eaters, leader naman ako ng Black Rose kaya ayaw ko. Ang nangyari, naging some kind of brother group ng gang namin ang gang nila. Kapag may upakan at banatan, sabak lahat kami basta ba nagpapadala sila ng parang invitational fight.

Tumabi siya sa akin. Ang lapad ng ngiting mapang-asar niya. Tss. Ayan oh, nambatok siyang bigla.

"Huy, panget. Lumipat ka lang ng school, para ka nang muntanga dyan kanina pa ah. Ngumingiti ng mag-isa."    ^______^   "Hulaan ko kung bakit." Kunwari siyang nag-isip. Hinimas-himas niya pa ang baba niya saka sumagot ng "Iniisip mo na naman yung si Sunny? Yung babaeng nalab at pers sayt ka?? Halata eh."

*SAPAK

"Nyemash ka naman eh! Wag ka nga makialam!!" sinuntok ko siya sa balikat. Kakapang-init ng ulo. Madali akong mapundi sa iba lalo na sa mokong na 'to pero pagdating kay Sunny...hindi eh. Psh. Tinamaan nga talaga ako sa kanya. Kapag tinatanong ko ang sarili ko, hindi ko rin maipaliwanag kung anong dahilan.

*SAPAK

Bumawi siya ng suntok sa balikat ko. "Wooo! Kumukulo ka na naman eh. Chiiiiill." Tapos pinampaypay niya sa akin ang kamay niya. Parang ewan talaga 'to.  (=____=)

"Lumayo ka nga! Basagin ko mukha mo eh! Problema ko pa nga kung paano ako makakabawi kay Sunny! Ibabalibag kita nang wala sa oras dahil sa panggugulo mo!" tapos bumusangot ako. Uupakan ko 'to. Malapit na. Hmpf. Paano ko ba ito naging bestfriend eh ang kulit-kulit tapos ang likut-likot?  (~_____~)

"Ahy ganun ba? Okay. Alis na nga ako. Tsk. Sayang, gondo-gondo pa naman ng idea ko kung paano ka makakabawi sa kasalanan mo." *whistle *whistle *whistle. "Bubye!" tapos naglakad siya palayo.

"O-OY! Dito ka muna!" Tss. Nu ba yan. "Kailangan ko ng idea mo!"

 

"Weh? Kiss ko muna." Tapos ngumuso siya sa akin. Yuck! Adik ka talaga! Inangatan ko siya ng kamao pero iniharang niya ang dalawang palad niya sa harap ko. "Joke lang. Ikaw naman, di mabiro. Chiiill."   \( ^ω^ )--

"Oh ano, sabihin mo na...pati yung kapalit. Alam ko may kapalit ang pagtulong mo."  (¬__¬)

( ^O^ )/ " Buti alam mo. Hehe. Ganito ang gagawin mo ah." Tapos sinabi niya sa akin yung nasa isip niya.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon