Chapter 8 - There's no way that this can last

117 3 0
                                    

A/N: Pasensya na po at medyo late update. Hope you enjoy this chapter.

____________________________________________________________

Gutom na ako! Tapos na ang morning classes ko kaya dumerecho na ako sa canteen para kumain. Nagmadali na ako at alam kong jampack na naman ang mga lamesa.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko may 3 tables pa na bakante. Punta agad ako sa unang table kaso, may dumating bigla.

“Chupi loser, kami ang nakapwesto dito sa table!” sabi ng isang mataray na girl.

Wala naman ako nagawa kaya lipat na lang ako sa kabilang table. Haay.

“Hep hep hep. Anong ginagawa mo dyan sa table namin? Kami dyan!” hirit naman ng isang beki at mga alipores niya.

Isang table na lang natitira at mukhang may mang-aagaw pa saken. Nagmamadali kami pareho makarating sa table. Eh 5 sila, isa lang ako. At kahit nauna ako nakarating, pinandilatan naman ako ng leader nila.

“Oy oy, anong..”

“Ay buti nakahanap ka ng pwesto natin. Akin na yang gamit mo.”

Nagulat ako ng bumungad saken ngiti ni Marco at nakapwesto dun sa table. Tiningnan niya ung grupong aagaw saken nung table sana. Napahiya sila at lumayo na lang ng kusa.

Haaay. Sa wakas makakaupo din ako. “Uy salamat ha, kala ko wala na akong mapapagpwestuhan dito” sagot ko kay Marco.

“Walang anuman po! Ano gusto mo kainin? Ako nang bibili at bantayan mo table natin, baka may umagaw.” Medyo malakas pagkakasabi niya nung huli, parang nagpaparinig sa iba na huwag akong papaalisin sa table.

“Rice, fried chicken, tsaka coke in can” sagot ko sa kanya at inabot ang pera ko.

“Wag na, this is on me. Tutal ikaw nakahanap ng pwesto natin.” Ngisi niya saken.

“Uy nakakahiya. Di pa nga ako nakakabawi dun sa libre mo nung isang araw tapos lilibre mo na naman ako?!??! May pera naman ako eh!”

“Wag ka na nga! Ako na nga sabi! Ikaw naman nakakita ng pwesto. Eh kung hindi? Malamang ako wala rin ako mapepwestuhan!” Sabi niya saken.

“O sige na nga, mapilit ka eh!” Sagot ko sa kanya at pinabayan ko na siyang maglakad papuntang counter.

Nai-weirdohan ako sa kanya. Di ko alam kung bakit he’s making the effort to approach me and make me feel like… I don’t know, special? Naku Venizia wag kang assuming, probably he’s like that to all the girls. Baka naaawa lang yan sa yo dahil wala kang kaibigan at magkalapit lang kayo ng bahay. Haaay. Sabagay, sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng panahon di ba?

Pabalik na siya at ang dami ng food niya sa tray ha! Yung order kong chicken, rice, at softdrinks at meron pang 2 rice, menudo, chicken, hotdog, mineral water, at juice.

“Tara kain na!” Yaya nya sa akin.

“Hehe. Di ka naman gutom no?” tanung ko sa kanya, habang kinukuha ang kutsara at kakain na.

“Eh di ako nakapag-almusal kanina kaya babawi ako. Mahirap na, baka pumayat ako at mabawasan pa pogi points ko di ba?” pagkasabi niya, kinindatan ako ng mokong. Naramdaman ko namula mukha ko.

“Uyyy nagba-blush ka na naman. Ikaw ha, crush mo siguro ako no?” tawa niya saken.

“Hoy for your information, di kita crush. Di lang ako sanay na kinakausap kaya ako namula.” Sagot ko naman sabay yuko sa kinakain ko. “Pero seriously, bakit ang bait mo saken?” Tanung ko naman.

DreamLoverWhere stories live. Discover now