Chapter 1 - ME

578 3 2
                                    

Chapter 1 - ME

Bigla ako nagising na pawis na pawis sa intense kong dream. Hindi ito ang first time. It began mga 3 months ago pero habang tumatagal, parang pa-intense ng pa-intense ang mga kaganapan. Nung una, nagulat talaga ako kasi parang totoong totoo siya. Nagsimula sa kiss, smack ika nga at siempre, akong NBSB kilig na kilig ako. Kasi, alam ko naming hindi mangyayari yun sa totoong buhay. Ako? Si Venizia Marie Antonio, magkakaroon ng kahalikan? Eh sa hitsura kong to, nabansagan akong weird na tomboy na ewan. Sa utak department, madami ako nyan pero sa beauty? Hahaha. Who am I kidding? Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ligawin at tanggap ko na nga sa sarili kong tatandang dalaga ako. Hindi naman magiging katapusan ng mundo di ba,  kung tatanda akong mag-isa?

Pero simula sa panaginip na yun, aminin ko, nakaramdam ako ng konting kilig. Wala man pumapansin sa akin sa school, at least sa panaginip nagiging diosa naman ako. At take note, gwapo si leading man. With matching abs. Moreno. Matangkad. At kung tingnan ako, parang sinasabi ng mata niya “ikaw lang at wala ng iba”. Korni ko no?

Bumangon na din ako tutal 6am na at may klase ako ng 7:30. Malapit lang naman ang tinitirahan ko sa university na pinapasukan ko, mga 30 minutes lang andun na ako. 2nd year college na ako. Unang araw ito ng second term at excited akong pumasok. Naglakad ako sa CR para maligo at magsipilyo at nagready na ng damit ko. Usual get up: pants, loose tshirt, rubber shoes. And of course, my eye glasses. Di pwede wala ako nito at baka andyan na pala si prince charming sa tabi tabi malagpasan ko pa! hehehe. Malabo kasi mata ko, ayaw ko naman mag contacts at eww, nakakadiri kaya pag nakikita ko ibang tao na nagsusuot nito, with matching paglaki ng mata. Ewwwww!

Pagbaba ko sa sala, naamoy ko na ang masarap na agahan. Malamang nagluto ng almusal si Manang Josy, at mukhang masarap ha. Bacon, eggs, at garlic rice. Kasama pa ang paborito kong kape.

“Salamat Manang Josy” sabi ko habang umupo ako at nagsimulang kumain.

“Kumain ka na at may pasok na ngayon. Anong oras ba pasok mo?” sabi ni Manang Josy.

“7:30 am po pero first day naman eh, malamang wala pa pong prof” sagot ko.

“6:45 na, bilisan mo na at hindi mo alam, mabilis ang oras,” pagmamadali saken ni Manang.

“Sige po, sipilyo lang uli at aalis na ako. Kayo po, kain na kayo” sabi ko habang papuntang lababo.

“Pagalis mo na, liligpitin ko lang mga ito” sagot ni Manang Josy.

“Salamat Manang Josy ha! Hanggang 430 ang klase ko kaya maaga ako darating. Magte-text ako pag pauwi na po ako or mapaaga ako.” Pagpapaalam ko.

“Sige lang, maghahanda ako ng hapunan. Ano ba gusto mo?” tanung niya.

“Kahit ano po! The best naman kayo magluto, kahit ano pang ihain nyo eh. Sige po una na ako.” Nagpaalam na ako, sabay bitbit ko ng bag ko at kumaway kay Manang.

Si Manang Josy ang parang nanay- nanayan ko dito sa bahay dahil parehong OFW ang parents ko. Sa Singapore sila nagwowork at ako lang ang anak nila. Gusto ko nga sana ng kapatid dahil sa totoo lang, malungkot mag-isa. Wala kang kausap, wala kang ka-sikretuhan, at wala kang kasama sa bahay. Sayang at hindi na nabiyayaan sina mama at papa ng mga anak pagkatapos sa akin. Pero kahit na malayo sila, di nila kinakalimutan na paalalahanan sakin ang pagiging mabuting tao at pag-aral ng mabuti, lalo na pareho silang di nakapagtapos kaya nakipag-sapalaran sa ibang bansa. Pagkagraduate ko ng college, uuwi na sila dito at magkakasama-sama na din kami. I can’t wait until that becomes a reality!

So ako naman, di ko nakakalimutan pangaral nila sa akin. Talagang nagsisikap ako mag-aral. Grumadweyt ako salutatorian nung high school kaya may scholarship ako dito sa Georgetown, isa sa pinakamagaling na school sa Pilipinas. Psychology ang course ko, interested talaga ako dito dahil gusto kong maintindihan ang tao, why they act the way they do, why they think in a certain way, and what makes them predictable and unpredictable at the same time. Nageenjoy naman ako sa kurso. Sa kurso ha, at wala nang iba. Bakit kamo?

Wala akong kaibigan. Ewan ko ba, yan ang problema sa akin. Socially awkward ako. I can’t even form a single coherent statement without stuttering when I’m talking to someone. Ayan, wala tuloy nakikipag-kaibigan sa akin at ako din naman, lumalayo na lang ako. Kung di lang ako matalino, tuluyan na sigurong walang kumausap saken. As it is, nakakausap lang ako pag kelangan ng papel, ng sagot sa exam, or ng assignment. Sa isang tulad kong lumaki on my own, di naman talaga ako marunong makisalamuha sa ibang tao. A part of me really suffers, kasi sino ba naman ang ayaw ng kaibigan di ba? On the other hand, if my classmates are the kind of friends I would have, wag na lang. Ika nga sa commercial “hindi sila friendly”, Nakakatawa lang kasi college na ako at unlike the commercial, I only have Manang Josy. Defense mechanism ko na lang sa sarili ko, at least I have control of my world, without having to worry about what others think.

But it doesn’t make me any less lonely.

DreamLoverWhere stories live. Discover now