Chapter 2 - BEGINNING TODAY

271 1 3
                                    

Dumating na ako sa school at papasok na ng gate. Pagka-swipe ko ng ID ko, tuloy tuloy lang pasok ko. Unlike yung iba na naghihintay ng kaibigan sa gate, nakikipagkwentuhan sa barkada, o naghihintay sa bf or gf, dumerecho ako sa classroom kahit na may 15 minutes pa bago magstart ang klase. Sanayan na lang. Minsan nga pag napa-aga ng sobra, nakaupo lang ako sa sahig para hintayin ang guard buksan ang pinto at aircon ng classroom.

As usual, ako pa lang tao sa classroom. Umupo na ako sa last row. Ok din ito, pagkakataon kong himay-himayin ang umi-intense kong panaginip.

Una ko siyang napanaginipan 3 months ago. Sa dream, naglalakad daw ako sabay may humarang na lalaki sa dinadaanan ko. Eh nakayuko ako (nerd nga eh) at nakita ko na lang may sapatos sa harapan ko, sabay pag-angat ko ng ulo, nakita ko siya. Intense ang tingin. Tapos bigla na lang akong hinalikan. As in mabilis lang, parang less than a smack even. And then I woke up. Ni hindi ko nga nakita buong mukha nya, nakafocus lang ako sa mata. Grabe makatingin ang isang iyon. Parang kakainin ako ng buhay.

Doon nagsimula yon. At yun nga, sobrang kinikilig ako. Sa isang tulad ko na walang friends, I looked forward to those dreams kasi pakiramdam ko may taong nagpapahalaga sa akin at may pagnanasa pa. Oh ha, san ka pa?

Pero di ako nananaginip lagi ng ganun. Minsan, isang lingo wala. Tapos biglaan, tatlong sunod sunod na gabi meron. Gwapo niya, nung naaninag ko na buong mukha nya after a month of dreaming about him. Malaki katawan, singkit, pag seryoso mukha, nakakatakot, and then he would break out into a big smile that I felt is solely for my benefit.

And I felt good about it. Somebody is looking at me, at last. A chance to know another human being. An opportunity to know the real me, hindi lang kopyahan ng sagot o tagabigay ng papel.

Nagsimula sa smack. Tapos may hug na. and then kissing… that kind of kissing that melts not only your body but your soul. Petting, heavy petting, then the last dream. It was getting intense. The funny thing is, I don’t have control over it. I can’t stop.

And neither do I want to.

My daydreaming ended when the bell abruptly rang. Oh well, back to reality. I was Venizia, manang cum nerd cum invisible woman. Matalino, pero walang kaibigan. Introvert. Seryoso. And as I heard some whisper,  A LOSER.

My classmates rushed into class and suddenly occupied the seats in front. Nobody paid attention to me. Ok lang, sanay na ako. To be honest, I was expecting to have friends sa first day of classes, when I was still a freshmen. Eh yung mga kaklase ko, magkakaklase sila way back in high school so everyone knew everybody else. Sa high school, konting konti lang friends ko and I don’t hang out with them pa. When I got into college, di ko na din sila nakakausap, at sila din naman di na nageffort hanapin ako. Kaya eto, a year after starting college and still no breakthrough in the friendship department.

Wala akong katabi sa likod. I was in the last row and my classmates would occupy seats 5 chairs away from me. You would think may sakit ako or something na nakakahawa, kung layuan ako. Siguro ganun talaga, di naman ako maganda, matalino ako pero di naman ako friendly na nagpapakopya or what, at medyo manang nga image ko. So, sino magkakainteres?

Our class was Statistics. Maiingay ang kaklase ko. Daldalan dito, daldalan dun, walang nakikinig sa prof. Ako lang ata interesado. Yung iba, nagte-text, meron pa nga naghaharutan. Sira ulo din tong prof, parang walang pakialam kung maingay klase nya o hinde. He just drones on and on and on until he would dismiss us an hour later. At daig pa ng hinabol ng demonyo ang mga kaklase ko sa pagmamadaling lumabas. Haay, hello new term.

First subject down, 3 more classes to go, then home. Ang exciting ng buhay ko no?

DreamLoverWhere stories live. Discover now