Chapter 3

77.9K 1.3K 70
                                    

Jared's POV

"Tol ang astig ng new student no?" Sabi ni Edem na isinalansan lahat ng gamit nya sa kanyang locker.

"Alin dun?" Tanong ko dahil dalawa kasi ang new student namin.

"Yung si ano.. Ano nga yung pangalan nun?" Aniya pa na nakatingala habang nag-iisip. "Yung tago 'yung kalahating mukha?"

"Para nga sya'ng si sadako eh! Hahaha!" Sabi ni Rhey na tumawa pa ng malakas.

"Tss!" Singhal ni kevin kay Rhey.

"Biro lang tol!" Si Rhey

"Totoo naman eh!" Sabat ko naman. "Mukha nga syang si sadako kaya lang all black 'yung suot niya while si sadako naman ay naka all white!" Malakas na pagkakasabi ko at nagtawanan naman sina Edem at Rhey.

"Talking about me behind my back?" Sabi ng isang malamig na tinig kaya naman napatigil kami sa pagtawa. Unti-unti akong lumingon sa likod at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang may-ari ng malamig na tinig na iyun.

'Patay! narinig ba nya lahat?'

"Oh! H-hi cla-classmate! kamusta ka? He-he!" Halatang kinakabahan na sabi Edem.

"Tss! Out of my way!" Sabi nito at dumaan sa gitna namin.

'Suplada!'

Tinungo nito ang locker nya at dalidaling isinalampak ang bag. Walang salitang dumaan ulit sa gitna naming apat at naglakad palayo.

"Pheew! Ang weird nya mga tol!" Si Edem

"Suplada pa! Grabe! Nakakatakot lalo dahil sa ugali niya!" Ani Rhey na nanginginig pa.

"Hayaan nyo na. Kasalanan nyo din naman." Ani Kevin

"Whatever! Guys tara na sa canteen." Anyaya ko sa kanila.

"Bading?" Rinig ko pang bulong ni Edem kaya inis akong napatingin sa kanya.

"Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? May sinabi ba ako?" Maang maangan nya pa.

"Sino kamong bading!?" Ani ko at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya.

"Tss! Wala no! Sabi ko tara na sa canteen!" Palusot nya.

"Kahit tomboy ka papatulan talaga kita!" Inis na singhal ko sa kanya at nagpa umunang maglakad patungong canteen.

"Eh kasi naman para talaga sy--" 

"Tama na yan mga pre tara na." Rinig ko pang awat ni Kevin kay Edem.

"Eras!" Tawag sa akin ni Rhey. Nasa likod namin sina Kevin at Edem. "Pansin ko lang bagay sila." Aniya sa mahinang boses.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

"Si Kevs at Ed!" Pabulong na sabi niya. Lumingon naman ako saglit para tingnan 'yung dalawa sa likod namin.

"Haha! Oo nga ano!" Natatawang sang-ayon ko sa sinabi niya.

"Gawin kaya nating babae iyang si Edem?"

"Bakit? Babae naman talaga sya ah?"

"What i mean is, Gawin nating straight na babae. Gets mo?" Aniya na may malaking ngiti sa labi.

"Ohh!" Usal ko at nangiti na rin sa naiisip.

"Akong bahala d'yan. I have a brilliant idea!" Makahulugang sabi pa nya.

She's Back With Vengeance(Completed on DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon