Chapter 1

94.5K 1.5K 50
                                    

Chapter 1 >> She's Back

Narrator

Mataman niyang pinagmamasdan ang mga tanawin sa ibaba mula sa private plane kung saan siya nakasakay ngayon. Ilang minuto na lamang at lalapag na ito sa private airport na pag-aari mismo ng kanilang pamilya.

"Ten years" Wala sa sariling sambit niya.

Ten years siyang nanirahan sa Australia, malayo sa pamilya at mga mahal niya sa buhay. Isang sumpa ang tingin sa kanya ng sariling mga magulang. Labag man sa kaniyang kalooban na bumalik sa Pilipinas dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ng mga ito ay kailangan niyang bumalik.

"Young lady we're here." Ani Melany, ang kaniyang personal maid. Ito ang tumayong magulang niya simula nang magka-isip siya. Malamig man ang pagtrato niya kay Melany ngunit mahal niya ito higit pa sa tunay niyang magulang.

Tumango lamang siya at saka tumayo. Pagkababa nila ay sinalubong sila ng higit sa dalawampu na kalalakihan. Nakasuot ang mga ito ng black suit at nakahanay sa dadaanan niya.

"WELCOME BACK YOUNG LADY!"

Bati ng mga ito sa kaniya habang naka yukod. Walang salitang namutawi mula sa kanya at hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang gusto niya lang ngayon ay makarating agad sa pupuntahan.

Tinungo niya ang kanyang kotse na pinahanda niya bago sila umalis ng Australia.

"I'm leaving ." Tipid na paalam niya kay Melany.

Naintindihan naman ito ng huli kaya tumango na lamang ito. Pagkasakay niya ng driver seat ay walang pakundangan na pinaharurot na niya ang sasakyan patungo sa lugar kung saan ang pakay niya.

"Hey Bro, what's up?" Panimula niya bago naupo sa bench.

"I'm here." Mapakla siyang ngumiti at napabuntong hininga.

"Idiot haha! You promised that we will play soccer, you also promised to stay in Australia with me. You promised me that you will be a good doctor.-- you idiot! You broke your promises!" Pumiyok ang kaniyang boses sa huling sinabi. kasunod no'n ay ang pagdaloy ng masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan.

"But you left me." Tuluyan na siyang napahagulgol sa sinabi.

Lumuhod siya at hinimas ang larawan ng kaniyang kapatid sa puntod nito. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak, wala siyang pakialam kung maubos man ang luha niya ngayon. Gusto niyang makasama muli ang kaniyang kapatid. Sobrang mahal na mahal nya ito. Ito lamang ang naging kakampi niya noong mga panahon na itinuring siyang ekstranghero ng kanilang magulang.

"Bakit mo pinabayaan ang sarili mo? You know that I’m not welcome in this place. Why did you let them kill you? Aaaahhh!" Napasigaw na siya sa matinding galit na nadarama. Gusto niyang pumatay ng tao ora-mismo dahil sa mala Demonyong galit na umaahon sa kanyang kalooban.

"Kailangan nilang magbayad sa pagpatay sayo!" Tiim bagang na saad niya bago nilisan ang lugar na iyon.

⚔️ Jared's POV ⚔️

"Good morning world!" Nag-inat muna ako habang nakahiga bago tuluyang bumangon. First day of school ngayon at graduating na ako ng Senior High School!

"Jared anak bumangon ka na at baka ikaw ay ma-late."

"Yes Mom! I love you!"

"Love you too baby! Bumaba kana breakfast is ready!"

"Okay Mom just a few minutes!"

Pagkarinig ko ng papalayong yabag ay saka palang ako bumangon para maligo. Habang naliligo ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga naiisip ko.

She's Back With Vengeance(Completed on DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon