Chapter 2

76.6K 1.4K 59
                                    

Jared POV

Nang makarating ako sa room namin ay pinagmasdan ko muna ang mga naroon. Sila pa rin ang mga kaklase ko last year. Tulad ng dati ang napakaingay at ang gugulo pa rin nila, Lalo na yung mga lalaki. Nambabastos na naman sila ng mga babae. 'Tss! walang pinagbago, Parang hindi high school kung magsikilos.'

Naupo na ako sa aking upuan at binati ang mga matitino sa klase namin. Dahil alphabetical order ang settings ng upuan namin ay nasa second raw ako at pangatlo mula sa harapan. Hindi rin nagtagal at dumating na rin ang mga kaibigan ko.

"Yow Jared pare!'' Ani Edem

"ERAS! Ano sobra mo akong na-miss? wahahaha--"

"Tss dumbass!" Putol ko sa malakas na tawa ni Reorhey

"What's up bro?" Ani kevin sa akin at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Last night lang tayo nagkita-kita, pero sa mga kilos ninyo ay para bang ilang taon tayong hindi nagkita at nagkasama." Sabi ko sa kanilang tatlo matapos nila akong dumugin ng yakap at halik. 'Tss Kabaklaan!'

"Tsk! na-miss kita eh!" Ani Reorhey na nakasimangot

"Tss! Umamin ka nga Rhey bakla ka siguro ano? Type mo si Jared?" Tanong ni Edem sa kanya.

"Ako bakla?" Turo nya sa sarili. "Gusto mo halikan kita dyan?" Aniya pa at ngumiti ng nakakaloko

"Gago ka pare walang ganyanan, kahit TOMBOY ako 'di tayo talo uy!"

"Kahit tomboy ka papatulan talaga kita, sabihin mo lang."

"Gago! Upakan kita, gusto mo?!"

"Sus! Denying ka pa' gusto mo naman!"

"Isa nalang pare matatamaan kana talaga sakin!"

"Hahahaha! Hindi na nga. Masyado kang hot para patulan." Sabi pa ni Rhey at malakas na tumawa.

"Hot-hot'in ko yang mukha mo makita mo!"

"Anong makikita ko ha? Wala nga'ng kanais-nais sayo, May makikita pa kaya ako?"

"Abat! Lok--"

"Tsk! Tama na nga yan, para kayong mga aso't pusa." Awat na ni Kevin sa kanilang dalawa.

"Hwag na kayong maingay may hang over pa yan si Kevin." Sabi ko. Nag bar hopping kasi kami kagabi, kasama sina kuya at mga kabarkada nya. Inanyayahan lang nila kaming apat dahil may i-ce-celebrate daw sina kuya. Hindi naman nila sinabi kung tungkol saan, Kaya naman hindi na kami nag'usisa pa.

"Hoy Lau!" Tawag ko kay Edem

"Bakit Eras?"

"Tss!" Siniringan ko sya dahil nanlaki pa ang mga mata nya na tumingin sakin. "Inihatid ko kanina si Mika sa room nya." Sabi ko. Baka magalit na naman kasi sya kapag sa iba pa nya malalaman.

"Eh ano naman ngayon? Malalaki na kayo at nasa tamang edad na. Hindi ko na problema kung nagmamahalan na kayo. kailan ba ang kasal?" Ainya at nakapamewang.

'Putik na isip yan! kung ano-ano agad ang pumapasok!'

"Ulol! hinatid ko lang yung tao kasal agad ang pumasok sa isipan mo!" Ani ko at binatukan sya ng mahina.

"Wahahahahahahahahaha!" Malakas na tawa ni Rhey

"Aray! Naman brother in-law!" aniya

Gulat akong napatingin sa kanya. "Bro-? Bro what!?"

"Hehehe! brother in-law." aniya na at nag peace sign pa.

She's Back With Vengeance(Completed on DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon