8

4.9K 171 94
                                    

A/N: Pagpasensyahan niyo na po ang typos and grammars. Magbasa na lamang po kayo. ^____^ Salamat! Yung comment niyo po! Wag niyo po kalilimutan ha?

Lernie's POV

"Baby, di ka pa ba babangon diyan?" narinig kong paggising sa akin ni Nanay Ye. Alam ko namang maaga pa at ayaw ko pang bumangon muna dahil masarap pang manatili sa kama ko.

"Nanay Ye, mauna na po kayong mag breakfast. Pakisabi kanila mommy at daddy na susunod na lang ako. Gusto ko pang matulog."

"Oh sige. Pero ikaw lang ang kakain mag-isa mamaya niyan?"

"Uhm, no. Sabay na lang kami ni ate. I'm sure tulog pa rin siya."

"Gising na ang ate dennie mo. Nakabihis na nga siya eh."

Nagtaka ako sa sinabi ni Nanay ye, kaya napamulat ako nang wala sa oras at nagtanong.

"May pupuntahan siya?" I asked her.

"Siguro. Bakit hindi na lang ikaw ang magtanong sa kanya? Bumangon ka na at maligo. Bilisan mo lang. Hihintayin ka namin at sabay na tayong kumain. Naroon na ang iyong mommy at daddy sa baba." sabi ni nanay ye saka umalis na sa kwarto ko.

Mabilis akong naligo kaya natapos ako agad. Binilisan ko rin ang pagbihis at bumaba na patungong Dining Room. Naroon na nga sila at nakaupo na sa table. Si Daddy ay nagbabasa ng Diyaryo habang nagkakape. Si Mommy naman ay ganoon din ang ginagawa while Ate Dennie is just busy texting. Si Nanay ye naman ay inihahanda na ang mga pagkain.

Daddy and Mommy are not wearing their Business Uniforms pero nakabihis din sila ng panlabas, and Ate Dennie also.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila matapos kong pumwesto sa harap ni ate.

"Lalabas kami ng Mommy mo to shop for Groceries. Gusto mong sumama?" sagot sa akin ni Daddy. Ibinaba na nito ang binabasang diyaryo.

"Groceries for what?" tanong ko naman.

"For the new year celebration." sagot naman ni Mommy. Ibinaba na rin nito ang diyaryo nito at ngumiti sa akin.

"Sasama ka sa kanila, ate?" tanong ko naman kay ate.

"No. May iba akong pupuntahan." sagot niya naman. Napatingin ako sa maganda niyang mukha pati na rin sa ayos ng magagandang buhok niya. She is really beautiful. Saan kaya siya pupunta?

"So, where are you going?"

"Nagyaya kasi ang banda ko to hang out with them. Na miss daw nila ako eh. You wanna come?"

Gusto kong sumama pero parang ma-a-out of place lang din naman ako pag nagkataon. Bonding nila yun eh kahit na kaibigan ko na rin naman ang lahat ng miyembro ng banda ni ate, still, nakakahiya pa rin.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni ate.

"Don't worry, hindi ka ma-a-out of place. Ako bahala sa'yo." she said.

Napataas na lang ang kilay ko.

"Mind reader ka ba?" natanong ko agad sa kanya.

"Sort of." she answered with a smile... I mean, beautiful smile.

"Ok. I'll come with you." nasabi ko na lang. Boring kasi rito sa bahay. Saka isa pa, I want to spend every hour of my time with my sister. Isang araw na lang kasi at new year na. Di magtatagal ay babalik na rin siya sa Canada.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Impermissible Love (Lesbian Stories)Where stories live. Discover now