3

3.2K 125 25
                                    

A/N Naiisturbo ako! Eh paano ba naman kasi, nakaka touch itong MMK eh! Tss... Sana ok lang itong next update ko for you guys, wag niyo na lang pansinin ang mga typo ha? ^_^ COMMENT din po kayo please? Kahit wag na Vote!

Maraming nag me-message sa akin kung bakit mas gusto ko ang Comment kaysa Vote, kasi natutuwa po ako tuwing nalalaman ko po ang pananaw niyo. Kaya yun na gift niyo sa akin this coming christmas day. COMMENT kayo!!! >_<

Lernie's POV

***School Canteen with my bestfriend, Hesy.

"Besty, congrats ha! Proud na proud talaga ako sayo eh! Ang talino mo talaga at na perfect mo yung quiz natin sa Physics! 1 mistake lang sa Mathematics at Araling Panlipunan. Astig ka talaga!" papuri sa akin ni Besty Hesy ko habang kumakain kami ng lunch namin.

Napangiti lang ako sa tinuran ng Besty ko. Masaya ako dahil nasisigurado kong makukuha ko ang 1st rank this first grading. Pero hindi pa ako kuntento. Pag-iigihin ko pa ang pag-aaral para maging proud pa sa akin sila Daddy at Mommy, at siyempre, pati na rin si ate. ^_^

"Ano bang sekreto mo at ang tali-talino mo Besty? Pa share naman ako diyan!" -Besty Hesy

"Eh kasi, nag ch-cheat yan!!!"

Napalingon ako roon sa sumagot sa likuran ko. Aba! Itong babaeng 'to! At talagang sinama niya pa yung dalawang liberated niyang barkada ha!

Napatayo ako mula sa pagkakaupo saka ko siya hinarap.

"Anong sinasabi mong nag ch-cheat ako? Ang sabihin mo Tricia, hindi mo lang matanggap na mas matalino ako sayo! Wag kang nagpaparatang ng kung ano-ano! Ebidensya? Meron ka ba?!"

"Eh imposibleng ma perfect mo yung quiz sa Physics kung wala kang kudigo Lernie!"

Ayan na! Tumitingin na sa amin ang mga tao rito sa loob ng Canteen! And I don't care!

Naramdaman ko na lang ang mga kamay na tila bagang pumipigil sa akin para sugudin si Tricia. Naiinis na ako eh!

"Besty, wag mo na patulan." pabulong na sabi sa akin ng Besty ko habang hinahawakan mga braso ko upang pigilan ako.

"Ano ngayon ha? Lernie? Suko ka na? Aamin ka na bang nangudigo ka kanina kaya na perfect mo yung quiz sa Physics? Ano ha?" -Tricia

"Cheater!" -Carla(Barkada ni Tricia na classmate ko rin)

"Hoy! Sinong nagsabi sa inyong cheater 'tong Besty ko ha? Kami ang magkatabi kaya sino kayo para husgahan siya ng walang ebidensya?!" sabi ni Besty Hesy ko at tinutulungan na rin akong ipagtanggol ang sarili ko sa kanila.

"Sino kami? Kami lang naman ang mga magagandang estyudante dito sa paaralan natin!" -Tricia

"Na kinababaliwan ng mga gwapong lalaki!" -Gail (Isa pang barkada ni Tricia na classmate ko lang din)

"Excuse me ha? Ano ngayon?" -Besty Hesy

"Eh gaga ka pala eh! Tinanong mo kami kung sino kami tapos nang sagutin ka namin tatanungin mo kami ng 'ano ngayon?'. Aba! Lumalaki ulo mo Hesy ah!" -Tricia

Impermissible Love (Lesbian Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon