1

6.2K 149 18
                                    

Lernie's POV

"Ate Denie, gising ka na nga. Samahan mo naman ako oh?" pakiusap ko kay Ate habang niyuyugyog siya. Mag tatanghali na eh, tulog pa rin siya!

"Sha-an mow vha balak fumunta?" nakapikit at inaantok niyang sagot sa akin.

"Bibili lang ako ng libro ko. Nakita ko kasi yung librong ginagamit ni Teacher sa Physics namin eh. Gusto kong mag advance study. Ge na! Dali na Ate, bangon ka na diyan please?"

"Shige, but in one condition."

"Ano ba yun?"

"Mag Diaper ka muna doon."

Nagsalubong mga kilay ko nang marinig ko yun. Hanggang ngayon ba naman kasi eh! Tinuturing niya parin akong bata! Eh 4th Year High School na ako! Hindi na ako bata! At dahil sa inis ko, hindi na ako sumagot at tinignan ko na lang siya ng masama kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita dahil nakapikit parin siya.

Nang maramdaman niyang tumahimik ako ay nagmulat na siya ng mga mata at napapatawang bumangon.

"Oo na, ito na nga eh, bumabangon na po. Wag ka na magalit diyan bata. Mas lalo kang kumu-cute eh." sabi niya saka kinurot ang left cheek ko.

"Aray! Ano ba Ate! Masakit yun ah!" reklamo ko.

"Ang cute cute mo eh!" she said smiling.

"Salamat naman! Maligo ka na nga Ate! Ang baho mo na eh!"

"Paliguan mo nga ako. Tinatamad ako eh."

"Tumahimik ka nga diyan! Isumbong kita kay Daddy eh!"

"Kita mo, bata ka parin hanggang ngayon kasi nagsusumbong ka parin."

"Ewan! Basta dalaga na ako! May crush na nga ako eh!"

Nang sabihin ko yun ay nawala yung saya sa mukha ni ate at biglang naging seryoso.

"At sino yun?" she asked.

Ayan na naman siya eh. Kailangan na lang parating alam niya lahat ng mga nagiging crush ko. Kailangan na lang parating sinasabi ko sa kanya mga pangalan nila nang malintikan daw sila sa kanya pag sinaktan daw ako nila.

"Bago na naman ba yang crush mo o si Michael pa rin yan?" isa pang tanong niya.

"B-bago na naman Ate." ayan! Kinakabahan na ako! Ganyan na lang kasi siya parati kung may bago akong nagugustuhan eh!

"Sino na naman yan?" ayan! Tumataas na boses niya!

"Eh ate naman! Kailangan mo ba talagang malaman lahat ng nagiging crush ko?"

"Lernie, kapag nasasaktan ka diyan sa mga crushes mo sa tuwing may kasama silang iba, kanino ka ba umiiyak ha? Kaninong balikat ba ang pinapagod mo sa gabi? Kaninong mga gamit ba ang sinisira mo pag nasasaktan ka ha? Diba sa akin?"

Oo na! Eh ganun talaga eh! Siya lang naman pwede ko kasing pagsabihan. Ang Ate ko lang naman ang tanging nandiyan para ipagtanggol ako tuwing inaaway ako ninuman. Siya lang.

"Ok na nga eh! Si Renz yung bago kong crush." medyo nahihiya ko pang pag-amin sa kanya.

"Ah akala ko kung sinong gwapo yang crush mo na yan eh!" she said saka tumawa. Bumangon na rin siya at nagligpit saka pumasok na sa cr niya.

Impermissible Love (Lesbian Stories)Where stories live. Discover now