Chapter 5

582 46 5
                                    

WALANG tigil ang ginawang pag-eensayo ng theatre arts club para sa nalalapit na foundation ng kanilang unibersidad. Ilang araw na lang at ipapakita na nila ang kanilang play hindi lamang sa buong school ngunit pati na rin sa mga board members ng unibersidad. Kaya naman puspos sila sa pag-eensayo. Kahit hindi pa maganda ang pakiramdam ni Maxine ay pinilit pa rin niyang pumasok. Nagkaroon siya ng trangkaso kaya naman halos dalawang linggo siyang hindi nakapasok. Mabuti na lamang at siya ang gumawa ng script kaya naman hindi siya nahirapang makahabol sa practice nila.

Isa pa sa mga dahilan marahil ng pagkakasakit niya ay ang naging tagpo sa pagitan nila ni Mikus. Aminado siya na hindi niya malaman kung paano niya pakikiharapan ang binata ng hindi nakayuko ang ulo. Ngunit matapos niyang limiin ang sitwasyon sa bandang huli ay napagdesisyunan niyang harapin ito. Ayaw niyang magdiwang ito kapag nakita niyang natalo siya nito sa parting iyon. Kaya naman kahit naiilang ay pinilit niyang pakisamahan ito ng normal. As usual taglay pa din nito ang pagiging arogante nito ngunit something has change in his attitude. Kung ano man iyon ay labas na siya doon.

Isa isang tinipon ni Melvin ang mga kasama nila sa play. May mahalaga daw itong sasabihin sa kanila.

"Everyone, can I have your attention for a while?" simula nito. "I know malapit na ang play natin, but the board decided to test our ability to carry the name of our school. They want us to make a passes that cost five hundred pesos. The said fee will be donated to charity and to those people that have been damaged because of typhoon Yolanda. That's why I need the cooperation of each and everyone here." Paliwanag nito habang matamang nakatingin sa kaniya.

"Ano naman ang magiging benefit natin kung saka-sakaling makalikom tayo ng funds?" tanong ng isa sa mga props men nila.

Ngumiti si Melvin, yung ngiting ipinapakita lamang nito kapag may magandang mangyayari para sa club nila. "If we got the highest paid passes we'll get the chance to play at the PICC and one of us will get the chance to be one of the actors of the famous musical play held abroad." Buong galak na saad nito.

"Really?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Iyon ang isa sa mga pangarap niya ang mapasama sa isang prestihiyosong broadway show or musical play kagaya ng Les Miserre, Romeo and Juliet at ibang sikat na international theatrical play.

Nasisiyahang tumango si Melvin. "You heard me right Maxine, but that would only happen if we succeed with our play." Anito. "So are we gonna help each other here?" tanong nito sa kanila.

"Yes!" sabay sabay na sigaw nila. Ngunit mas malakas ata ang naging pagsigaw niya dahil bahagyang natawa si Agnes sa kaniya.

Inirapan na lamang niya ito.

"So here are the passess, the dean says that we need to reach their quota." Anito habang iwinawagayway ang mga passess na hawak nito.

"How many passess do we need to sell?" nasasabik na tanong niya.

"We need to sell five thousand tickets." Anunsyo nito.

"What??" bulalas niya. Ang kaninang excitement na nararamdaman niya ay napalitan ng pagkadismaya.

Narinig din niya ang mga komento at reklamo ng mga kasama niya. Nang mapagawi ang tingin niya kay Mikus ay tahimik lamang ito na tila nag-iisip. Napatingin din ito sa kaniya kapagkuwan ay ngumiti. Iningusan niya ito kahit pa bigla na namang kumabog ang dibdib niya sa pagkakangiti nito.

"Seryoso ka ba diyan Melvz?" tanong ni Agnes, tila nalula din ito sa quota na kailangan nila.

"Para namang nakakaloko ang mga kundisyones na iyan!" hindi na niya mapigilang bulalas. "Anong akala nila sa atin? Mayayaman ang angkan?" dagdag pa niya.

In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon