Chapter 1

1.8K 115 7
                                    

Author's Note: Huwag kalimutang mag Vote salamat.


MABILIS ang ginawang paglakad ni Maxine sa kahabaan ng Arts and Letters hall kung saan matatagpuan ang kanilang theatre arts office. Bitbit ang sang katutak na mga props ay hindi alintana ni Maxine na halos maligo na siya sa pawis. She's a graduating student in Northfield International University. Hindi niya akalain na makatatagal siya sa naturang unibersidad ng hindi nababawasan ang bahagi ng kaniyang katawan. Karaniwan kasi sa mga tao sa naturang unibersidad ay mga bayolente. Lalo na ang grupo ni Mikus na kinamumuhian niya umpisa pa lang ng pag-aaral niya sa unibersidad. Hindi nga niya alam kung bakit hinahayaan ng pamunuan ng kanilang eskwelahan ang mga estudyanteng wala na yatang ibang alam kundi ang mang-bully nga estudyanteng hindi marunong lumaban.

Well sabagay, bakit pa nga ba niya tinatanong iyon e karaniwan sa mga bully ng school ay anak ng nakatataas sa kanilang university. Kung hindi naman ay mga anak mayaman na mukhang patapon na ang mga buhay.

Habang naglalakad ay nagulat pa siya ng may biglang humarang sa kaniya. Iyon ay walang iba kundi si Mikus Andrew Malabrigo, Mikus for short. Ang lalaking gabi gabi ay ipinapanalangin niya na lunukin na ng lupa upang mabawasan ang mga buwisit sa mundo. Ang akala niya ay sa mga Korean drama lang o sa wattpad stories lang nangyayari ang mga ganoong bagay na may mga estudyanteng naghahariharian sa isang eskuwelahan. Maging sa totoong buhay din pala.

Nakataas ang kilay na tinitigan niya ito. "Ano na naman bang problema mo Mr. Malabrigo?" nakaangil na tanong niya.

Bahagyang ikiniling nito ang ulo nito bago umangat ang kabilang bahagi ng labi nito. "Mukhang ikaw ang may kailangan Miss Luchavez." Anito bago ngumisi.

Naitirik na lamang niya ang kaniyang mga mata bago lagpasan ito.

"Hindi mo ba hihingin ang tulong ko?" tanong nito habang hawak hawak ang laylayan ng blouse niya.

Tinitigan niya ito ng masama. "Kung sa'yo rin lang manggagaling ang tulong di bale na lang." aniya bago marahas na pinalis ang mga kamay nito sa kaniyang damit.

Nagkibit balikat ito. "Okay! Huwag mong sasabihin na hindi kita inalok ng tulong ko." Anito bago bitawan ang damit niya.

Inis na ipinagpatuloy niya ang paglalakad nang hindi sinasadyang matapakan niya ang nakalawit na tali ng dala dala niyang props. Ang ending ay mabilis na nasubasob siya. Mabuti na lamang at malalambot ang dala niyang props kung saan naglanding ang mukha niya. Ngunit hindi nakaligtas ang kaniyang tuhod sa matigas na semento na nilalakaran niya.

Atleast hindi rough road! Side comment pa ng kaniyang isip.

Napadaing na lamang siya ng maramdaman niya ang sakit na dulot ng pagkakatama ng tuhod niya sa semento. Hirap na dahan dahan siyang tumayo. Narinig pa niya ang tawanan ng mga estudyante na nakasaksi sa kamalasan niya.

"Masarap bang magswimming sa semento?" narinig pa niyang saad ni Mikus.

Inis na nilingon niya ito. "Oo, gusto mong subukan?" nagpipigil inis na wika niya.

Tumawa naman ito. "Thanks but no thanks?" may halo ng pang-iinsultong sagot ni Mikus sa kanya.

Sasagot pa sana siya ngunit pinigilan na siya ni Melvin, ang presidente ng kanilang theatre arts club. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito.

"Huwag mo nang patulan Maxine." Anito habang tinutulungan siyang tumayo.

Dinig na dinig pa niya ang mga hindi magagandang salita na lumabas sa bibig ni Mikus.

Iika ikang naglakad na siya papuntang office. Nakaalalay naman sa kaniya si Melvin. Pagdating sa loob ng office ay nilapatan agad nito ng first aid ang kaniyang tuhod na nagkagasgas pala. Nakatingin lamang siya sa binata habang ginagamot nito ang sugat niya. Melvin was the type of guy that every girl would dream of. Matalino ito, mabait, masipag at higit sa lahat ay hindi spoiled brat. Malayong malayo ito sa pangit na ugali ni Mikus. Si Mikus na yata ang pinakamalala ang ugali na nakilala niya sa tanang buhay niya.

In Your Arms AgainWhere stories live. Discover now