Chapter 4

724 71 8
                                    

IIKA-ika pa rin si Maxine habang naglalakad siya papunta sa auditorium room para sa unang araw ng practice nila para sa play. Bagaman nahihirapan ay pinilit pa rin niyang pumasok ng maaga. Gusto kasi niyang maging halimbawa sa mga kasama niya sa play. Nagsasawa na kasi siya sa mga sabi sabi na kadalasan kung sino pa ang pinuno ng isang organisasyon ay iyon pa ang mga pasaway. Nais niyang ipakita na may natitira pang responsableng mga pinuno na tulad nila. Kaya kahit anong pigil ng kaniyang magulang na magpahinga na lamang siya ay hindi siya nagpapigil. Isa pa ay siya ang gaganap na main female lead role kaya hindi siya maaaring mawala sa bawat practice nila.

Makirot man ang kaniyang sugat ay tiniis na lamang niya. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng auditorium ng may maulinigan siyang pamilyar na boses na nagmumula sa loob. Marahang binuksan niya ang pinto. Walang ingay na nakapasok siya sa loob. Napasinghap pa siya ng makita si Mikus na seryosong seryosong nag-eensayo ng mga linya nito. dahang dahang sumandig siya sa mirror wall sa bandang likod nito habang nakahalukipkip. Tahimik na pinagmasdan niya ang binata. Hindi man niya aminin ay nakaramdam siya ng paghanga sa binata. Unti unting nawawala ang hindi magandang pagkakakilala nito. Mukhang nagkamali nga siya sa panghuhusga sa binata.

Dahil maaga pa ay nagpasya siyang panuorin muna ang binata sa pag-eensayo. Mukhang hindi pa siya nito napapansin. Napangiti pa siya ng mapansin na tila nag-i-internalize pa ito. May papikit pikit pa itong nalalaman. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay malamang na napahagalpak na siya ng tawa. Nagsisimula na itong sabihin ang dialogue nito ng bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone. Nagulat siya kaya naman hindi na siya nakapagtago ng biglang lumingon ang binata.

"What the hell –." Tila gulat na bulalas nito.

Saglit na tumalikod siya upang sagutin ang tawag niya. It was Melvin.

Nang matapos ang pakikipag-usap niya kay Melvin ay napabuntong hininga na lamang siya. Nasermunan na naman siya nito dahil hindi daw niya pinaalam ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Nakita daw siya nito na iika-ikang lumakad papuntang sakayan nang matapos ang gawain niya sa bahay ni Mikus. Kung minsan ay iniisip na niyang may gusto ito sa kaniya dahil sa labis na pag-aalala nito sa kaniya. Natutuwa naman siya dahil sa ipinapakita nitong concern. Next to her father, Melvin was the closest guy in her heart. Pero alam niyang hanggang friendship lang ang meron sa kanila. Alam niya iyon dahil tahasan nitong sinasabi na hindi sila talo. At may iba itong napupusuan. Wala naman sa kaniya iyon. At isa pa masyado pa siyang bata para sa mga bagay na ganoon.

Isang tikhim ang nagpabalik sa kaniya sa tunay na sitwasyon. Noon lang niya naalala si Mikus.

"Ang aga mo naman yata Mr. Malabrigo." Nakataas ang kilay na saad niya.

"Ayoko naman sabihin mo na naman na iresponsable ako. Teka kanina ka pa ba diyan?" alanganing tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Just enough to watch how you deliver your line." Aniya sa tila nanunuksong tinig.

"What?" bulalas nito. Napakamot ito sa ulo nito na tila ba nahihiya. "So nakita mo?" nahihiyang tanong ulit nito.

Muling tumango siya. "Yup! But don't worry, for a starter you are better enough." Sincere na saad niya.

Nahihiyang ngumiti ito. "Thanks!" anito.

Biglang sumikdo ang puso niya dahil sa pagkakangiti nito. Gone was the arrogance in his face. Parang hindi si Mikus ang kaharap niya ngayon kundi isang batang napuri ng mentor nito. Pinilit niyang kalmahin ang sariling tila nawawala sa huwisyo.

"So shall we start again?" pag-iiba na lang niya ng usapan upang palisin ang kung ano mang bagong nararamdaman niya.

Nakangiting tumango ito. Yung ngiting bihira nito ipakita sa ibang tao at parang sa kaniya lamang nito ipapakita ang ganoong klaseng ngiti.

In Your Arms AgainWhere stories live. Discover now