Prologue

94.1K 1.8K 66
                                    


I'm gonna rip their heads

and

make the life's of their love one's

a living hell!

just like what they did

to my brother!

No one can stop me!

Even love can't stop my REVENGE!

because

i'm a heartless

an emotionless

i'm a demon

I can kill in just a blink of an eye,

and

i'm back with my VENGEANCE!

------

"Nagmamakaawa ako sa inyo, tama na hindi ko na kaya." Pagmamakaawa ng labinlimang taong gulang na binata sa mga pumapalo sa kaniya ng dos por dos na kahoy. Hindi pa sila nakuntento at tinodo pa ang palo gamit ang baseball bat ang mga tuhod niya.

"Tsk tsk! Kung ganyan ka kahina hindi ka pwedeng makaalis sa EXUDOS bata." Nakangising sabi sa kanya ng pinaka leader ng Fraternity.

"No! I'm gonna QUIT! Please tama na, ayoko na pakiusap pakawalan niyo na ako!" Nakaluhod at patuloy na pagmamakaawa ng binata. Hinang-hina na siya sanhi ng pagkakabugbug sa kanya ng mahigit tatlong oras. Dumadaloy na rin ang dugo nito sa ulo dahil sa pagkaka untog niya kanina sa pader noong akma siyang lalaban. Ngunit hindi niya rin kinaya dahil sa dami ng Frat member.

"Alam mo ba na wala pang nagtangkang sumuko sa initiation namin maliban sa'yo?" Napipikon na sabi ng leader.

'Oh god please help me please! I don't wanna die! Have mercy on me! Let me live!' Sigaw ng kaniyang isipan. Matinding pagsisisi ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito. nagkayayaan lamang sila ng mga kabarkada niya na subukang sumali sa frat. Dala na rin ng kuryusidad ay tinanggap niya ang alok ng mga ito.

"Kung susuko ka lang din naman. Ang mabuti pa ay itapon ka nalang sa basurahan- LAMPA! Tapusin niyo na 'yan siguraduhin niyo na malinis ang pagkakagawa niyo." Utos nito sa mga nasasakupan na agad naman siyang sinunod.

"Hu-hwag niyo akong patayin maawa kayo sa akin!" Pagmamakaawa pa niya ulit sa mga ito. Unti-unti namang naglapitan sa kanya ang higit sa sampung member ng frat na may hawak na kani-kanilang pamalo.

Wala na siyang nagawa kundi ang tangapin ang bawat palo ng mga kahoy at tubo na tumatama sa kanyang buong katawan. Unti-unti na rin siyang nawawalan ng lakas para mabuhay.

'Please forgive me for leaving you this way. I love you ate!'

Mga salitang binigkas na lamang sa kaniyang isipan bago siya tuluyang malagutan ng hininga.

She's Back With Vengeance(Completed on DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon