Chapter 45: The Beginning of Everything

13 0 0
                                    

Chapter 45: The Beginning of Everything

{KRISTIN}

Nang makaalis sina Night at Ever, everybody fell again into silence. Tanging ang ingay lang nung bonfire ang maririnig.

Hindi ko pa din maalis sa isip ko yung nangyari kahapon. Ang makitang ang pangyayaring yun ang pinakamakit na naramdaman ko so far. May mas sasakit pa kaya dun? Totoo bang mas masakit ang first love kesa sa true love? Dahil sa first love daw you'll never expect how love can be so harsh, selfish, and mostly painful. Dahil pag nahanap mod aw yung true love mo, magiging handa ka na sa sakit na mararamdaman mo. Hindi naman maiiwasan ang hurt sa love diba? Dahil complement silang dalawa.

Pero hindi ba masyadong unfair yung wala pa nga kayong nasisimulan nung first love mo, nasaktan ka na agad ng sobra sobra. Ang unfair nun sa part ko! Minsan nga lang akong mainlove ng totoo, ganto pa nangyari?

Yeah, siguro nga karma is effin' real. Hay.

"Huy Tin, bakit ka nagbubuntong-hininga dyan?" Biglang tanong saken ni Chesca.

Agad naman akong napatingin sa babaeng ito. Nagkatinginan kami sa mata ng ilang segudo at agad naman naming binawi ang mga tingin naming.

She cried. Hell, she still wants to cry.

"You know exactly why, Ches. I know you do." Sagot ko naman dito. "You know Ches, you should start thinking. Sooner or later, you still need to choose between the two of them. You know that's how it works." At tumayo ako sa pagkakaupo ko.

"You think so?" Tanong naman nya saken.

"Yeah, pretty sure." At nagsimula na kong maglakad.

Naglakad lakad ako sa paligid, para na din gumaan ang loob ko. Sa likod ng mga tent house, may isang trunk ng puno doon, na agad ko naman inupuan nang nakaramdam na ko ng pagkapagod sa paglakad.

Buti pa dito antahimik. Sariwa ang hangin. Walang dapat isipin.

I'm starting to hug myself nang makaramdam ako ng lamig.

"UUUUUUGGGHHH~ Ang lamig naman ng hangin. Nakalimutan kong kunin yung jacket ko-"

"Talking to yourself?" A voice suddenly asked me.

Napalingon ako sa palagid at nahagip ng mga paningin ko ang isang lalaki na nakasandal sa pinakamalapit na puno sa likuran ko.

"Ay akala ko ako lang mag-isa dito." I said, almost to myself.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Nasan yung mga kaibigan mo?" Usisa pa nito.

Echusero 'to, kung mga makapagtanong naman kala mo e nasa Bottom Line kami.

Nagsimula na syang maglakad, papalapit sa akin. At unti-unti kong naaninag ang kanyang itsura. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Na parang gusting kumawala sa dibdib ko. Papalapit sya ng papalapit.

Anong ginagawa nya dito?

"Oh bat parang nakakita ka ng multo?" Tanong nito sa akin nang dalawang metro nalang nag layo nya sa akin.

Agad naming napayuko ang ulo ko, at niyakap ko ang sarili ko upang pigilan ako sa pangingig - dahil sa malamig na hangin at dahil na din sa hindi ko inaasahang makikita ko sya dito.

"Uh... Wala. Nilalamig lang siguro ako." Sagot ko naman dito.

Makalipas ang kaonting sandali, nawala ang nararamdaman kong lamig. Napalitan ito ng mga malalambot ngunit nakapagbibigay ng preskong init sa aking katawan.

Napatingin ako sakanya agad. "What are you doing?" at agad kong tinanggal ang jacket na isinuot nya sa balikat ko.

"Keeping you warm. Diba sabi mo nilalamig ka?"

"You don't have to, kaya ko ang sarili ko." Malamig kong sagot sakanya. "ACCHHOOOO!"

"See? Kaya mo ang sarili mo? Sinisipon ka na nga. Here, wear this, lalo kang sisipunin nyan." At ibinalik nya ang jacket sa balikat ko.

"T-thanks." Mahinang sagot ko dito.

"No prob." Simpleng sagot lang nya sa akin. "So, kilala mo ba ko? I bet no kasi -"

"Clarent Cedric, right?" pagputol ko sakanya.

"Wrong."

"But -"

"It's Clarent Colt Cedric."

"Oh, right." Nahihiyang pagsang-ayon ko.

***

{CHESCA}

Tama si Kristin, sooner or later kelangan ko ng pumili.

•••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon