"Ang lamig kasi"

30.3K 1.2K 177
                                    

Nakatungo ako habang binubuksan ni Mama yung gate.

Shizz!

Bakit kasi hindi ko sila napilit (si Jay at yung Papa n'ya) na ako na lang ang bababa?! Yan tuloy...

"Good evening ho!" - sabi nung Papa ni Jay kay Mama na may pag ngiti pang pang-Congressman

Tumingin naman si Mama sa'kin tapos kay Jay.

"Ah... G-good evening po" - sabi ni Jay na kinakamot ang tenga

Tumingin naman si Mama ulit sa'kin na parang nagtatanong kung bakit ko pa dinala ang dalawang lalaking iyon sa bahay.

"Uhm, Mama... Uh si Jay... Kaklase ko po... Tapos po yung Papa n'ya. Nakatulog po kasi ako sa room... Eh nagising po ako na gabi na... Eh tutal wala na pong masakyan eh... Inalok po nila ako na ihatid na lang kesa lalo po kong gabihin..." - sabi at paliwanag ko

"Ah ganun ba? Naku salamat ho. Naabala pa po yata kayo ng anak ko" - sabi naman ni Mama atsaka ngumiti na pang Mayora

Sa ngiting yun ni Mama, alam kong maya-maya ay kailangan kong magpaliwanag. Ayaw n'ya kasi na may mga ganitong eksena (mga lalaking napunta sa bahay) hanggang hindi pa ako college eh.

"Naku, ayos lang yun. Naawa ako sa bata... Kanina pang nag aantay sa may sakayan, kaya pinasakay na lang namin" - sabi ng Papa ni Jay na parang wala namang katotohanan

Sa pagkakaalam ko kasi, tinext ni Jay yung Papa n'ya na daanan kami dun...

Ngumiti na lang si Mama habang tumatango. Kung ako ang nasa pwesto nina Jay, iisipin kong parang pinapaalis na ako.

"Ah sige po, una na po kami" - Jay sabay tingin sa'kin

Poker face lang naman ako kasi baka mahalata ni Mama na... Uhh, may ano, something.

Palabas na sila ng gate nang makita ko si Papa na galing trabaho.

"Aba, uy! Danilo! Kamusta na ga?" - sabi ni Papa na may pagpitik pa sa balikat sa Papa ni Jay

"Hala! Kumpare! Tingnan mo nga naman o-o! Hindi ko aakalaing dito ka pala nakatira? Ay bakit hindi kita nakikita dini?! Kapitbahay n'yo la-ang pala ang aking biyenan eh!"

"Ay, parati akong wala dine! Ay, bakit ka napunta sa bahay namin? Kung napasok muna kaya kayo?" - Papa

Napatingin na lang kami ni Mama sa isa't isa. Mukhang kakilala ni Papa yung Papa ni Jay. Batangueño din ata tulad ni Papa.

"Mama, hindi mo ba natatandaan si Danilo? Ito yung muntikan nang ma-laude! Yung sikat dahil sa pagkanta ng Fraulein at mga Beegees na kanta! Yung tanging may halong dugong Espanyol sa batch natin!" - Papa

(Short Story) Loving JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon