~44~ Get Away

182K 4.7K 955
                                    

 

~44~ GET AWAY

 

CHLOE’S POV

 

Simula nung nagbreak kami ni Dustin, wala na akong narinig na balita mula sa kanya. Nilibang ko lang ang sarili ko para hindi ako madepressed sa mga nangyayari sa akin lately. Buti nalang talaga, may napagbubuhusan ako ng sama ng loob ngayon. All thanks to Warren dahil hindi niya ako inaabandona ngayon. Siguro, icoconsider ko siya bilang male bestfriend. Dahil sa kanya, hindi ko na napansin na halos 2 weeks na pala ang nakaraan simula nang maiproklama kong back to being single na ako. =)

“Seryoso ka talaga sa pag-lose ng weight mo, Chloe?”

“Oo nga. Tumataba na kaya ako.”

“Kung sabagay. Pwede nang gawaing tocino ang braso mo. Hahaha!”

“Warren naman eeehhh!!”

“Hahaha! Joke lang.”

Nasabi ko na bang si Warren na ang madalas kong samahan ngayon? Mahirap talaga kapag walang masyadong friends kaya ayun, kung kani-kanino ako fumifeeling close. Minsan, sumasama ako sa cycling nilang dalawa ni Sheen. Minsan naman, nagsosolo kaming dalawa ni Warren dahil may summer class si Sheen. Kagaya nalang ngayon, kasama ko si Warren dito sa gym at kasalukuyan kaming nagte-thread mill.

“Pagkatapos nito, Warren, daan tayo sa mall---“ Nakita kong pinindot ni Warren yung buttons kaya naman bigla nalang bumilis yung andar ng tinatapakan ko. HALA! “Warren, bakit mo binilisan???”

Natawa lang siya habang tumatakbo pa rin. “Para kang nene kung tumakbo. Walang mangyayari.”

“Tch,” umirap nalang ako. Mabilis makapagpahingal kapag ganito kabilis ang takbo. -___-

“Maiba tayo,” narinig kong sabi niya kaya tinignan ko si Warren. Nakatingin lang siya sa LED screen na nasa tapat namin. “Nasabi mo na ba sa parents mo ang tungkol sa inyo ng ex mo?”

Ex. Yan ang pilit kong pinapatawag sa kanila dahil ayokong marinig ang pangalan ng lalaking yun. I admit, hanggang ngayon, sariwa pa rin yung sakit. Yay, I know, korny pakinggan, pero yun naman talaga ang nararamdaman ko.

“Oo naman,” ngumiti ako ng tipid. “Nasabi ko na sa parents ko ang tungkol dun last week pa. Ayun, syempre, dinamayan nila ako.”

“Oh? Edi mabuti. Akala ko, ililihim mo pa sa—“

Pinutol ko ang sasabihin niya. Kailangan niyang malaman ang tungkol dito. Ayaw na ayaw ko kasing magtampo siya sa akin dahil hindi ko kaagad sinabi sa kanya ang tungkol dito. “Warren, sasama ako kay Papa sa Canada. Mamayang gabi na ang alis namin.”

Halata sa kanya ang pagkabigla. Ni hindi na nga niya nahabol ang pag-andar ng tinatapakan niya dahilan para mahulog siya sa mula sa thread mill. Buti nalang, hindi siya bumagsak kundi tatawanan ko talaga siya. -__-

“’Di nga?” Yun ang natanong niya bago niya i-off ang thread mill ko. Hinarap ko siya. “Seryoso ka, Chloe?”

Ngumiti ako, pero alam kong isa itong ngiting malungkot. “Oo nga. Gusto ko munang lumayo.”

BAAAAAAM!

Mabilis naming nilingon ang pinanggalingan ng ingay. Medyo nabigla ako nang makita ko si Wayne na nakatayo sa kaliwa namin. Mukhang naibagsak niya yung dumbbell sa sahig. Dito rin siya nagwo-work out?

“Wayne?”

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Nagsalute pa nga siya, pero tinalikuran din ako at pumwesto dun sa pinakasulok ng gym kung saan may mga babae. Bakit parang may kakaiba sa kanya? Bakit ‘di man lang niya ako binati ng kahit simpleng ‘hi’ man lang? Nakakatampo naman.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon