~43~ I Chose You

177K 4.5K 757
                                    

~43~I CHOSE YOU

 

CHLOE’S POV

“Achoo~”

Kanina pa ako bahing ng bahing dito. Nakakainis! Kung bakit ba kasi kami nagpaulan kagabi ni Dustin? Ayan tuloy, mukhang magkakasakit pa yata ako.

“Achoo~”

“Oh,” inabutan ako ni Momsie ng gamot kaya kinuha ko ito. “Summer na summer, sinisipon ka. Kung sabagay, iba na ang panahon ngayon. Kapag tag-araw, umuulan. Kapag tag-ulan, umaaraw naman. Tsk tsk!”

Pagkasabi nun ni Momsie ay lumabas na siya ng kwarto ko. Napailing nalang ako ng ulo dahil nakalimutan pa yata ni momsie na dalhan ako ng tubig. Paano ko ‘to malulunok kung walang panulak?

At ayun nga, bumaba nalang ako sa kitchen para dun inumin ang gamot ko. Timing na pagkainom ko ng tubig, narinig ko nalang si Momsie na sumigaw ng…

“CHA-CHAAAAAAA! NANDITO NA SI PAPA MOOOOOOOOO!!”

Ha? Si Papa?

Sa pagmamadali ko, tumakbo na ako papunta sa sala kahit hawak ko pa ang baso ko. Napangiti nalang ako ng malapad nang makita ngang dumating na sina Papa at Kuya Cho dala-dala ang malalaking bagahe nila.

“Papaaa!”

Literal na inipit ko talaga si Papa sa yakap ko. Ang tagal naming hindi nagkita. Halos isang taon na rin ang nakalipas nung huli kaming nagkita.

“Cha-Cha, dalagang-dalaga ka na!”

Humiwalay ako sa yakap at tinitigan siya ng mabuti. Eeeh! Hindi na nga ito panaginip. Totoong nandito na sila sa Pilipinas. “Papa, namiss kita,” tumingin naman ako sa kaliwa niya. Si Kuya Cho, mukhang bored as ever pa rin. “Hi, Kuya Cho! Namiss din kita.”

At dahil siya si Kuya Cho, tinanguan niya lang ako sabay tanong kay Momsie na, “Is ma’ room clean? I’m tired. I wanna sleep now.”

“Inayos na namin ang kwarto mo. Ang mabuti pa nga’y magpanhinga ka muna,” sabi ni Momsie sa kanya, at ayun, walang kyeme siyang umakyat sa taas.

Napakibit-balikat nalang ako sa behavior ni Kuya Cho. Eversince naman, ganyan nay an. Hindi kami close pero ako itong nagfifeeling close sa kanya. Gusto ko lang namang gumaya kay Gail na super close kay Kuya Louis niya, pero mukhang Malabo ngang mangyari yun. Tumanda nalang kami, sinusungitan pa rin ako ni Kuya Pocholo in short Kuya Cho =_____=

“Ang tangkad mo na, Cha,” nakangiting sabi sa akin ni Papa tapos ay pinaikot niya pa ako. “Grabe, parang kailan lang, binubuhat pa kita. Baby ka pa lang. Ngayon oh, dalagang-dalaga ka na.”

Napahagikhik nalang ako sa sinabi ni Papa. “Oo nga po, Pa. Parang kailan lang, itim pa ang buhok mo, tapos ngayon, halos lahat puti na,” sabay peace sign, “Joke!”

“Ikaw talaga!” Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos ay inakbayan niya si Momsie. Ang saya lang kasi buo ang family namin ngayon. “Anyway, last year ko pa gustong mameet ang boyfriend mo. Your mom told me a lot of things about him. Puro nga positive eh,” tumaas ang isang sulok ng labi ni Papa tapos ay mapanuri niya akong tinignan. Kinabahan tuloy ako. “I want to meet him tonight.”

“Tonight na po?”

“Yeah,” diretsong sagot niya tapos ay sabay sila ni Momsie na pumunta dun sa hagdan. Naiwan akong nakatayo lang sa harapan ng pinto. Tonight agad? “Chloe, I want to meet him tonight and when I say tonight, it’s gonna be tonight.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon