~25~ Raffle Draw

195K 4.8K 312
                                    

~25~ RAFFLE DRAW

CHLOE’S POV

Ilang araw na rin ang nakalipas nang sagutin ko si Dustin. So far so good! Pinatunayan nga niya sa akin na ayaw niya sa PDA. Bumabawi naman siya kapag kami lang dalawa. Pero sa totoo lang, naiilang ako tuwing nagsosolo kami. Lalo na sa koste… WAAAH! Naiilang talaga ako. Hindi pa rin kasi ako sanay na boyfriend ko na si Dustin. -___-

Today is Monday. In other words, nakakatamad na araw =____=

“Mhine, mall tayo?”

Tinignan lang ako ng pagkalamig-lamig ni Dustin. Kakadismissal ko lang at talagang nagugutom na ako. Nagke-crave ako sa lechong paksiw! *Q*

“Ano, mhine? Ayaw mo ba? Gusto kong kumain ng lechong paksiiiiiiw~”

“Ge.” =___=

Napataas nalang ako ng kilay nang iniwanan niya ako sa paglalakad. As in, nauna na talaga siyang naglakad! See? Ayaw niya sa PDA. Abandoned girlfriend naman ang peg ko :3

***

 

Sa mall, niyaya ko kaagad siya sa food court. Kaso itong si Dustin, nag-iinarte. Ang gusto kasi niya, dun sa walang gaanong tao. Gusto niya sa tahimik…

“Ayoko dyan.” =___=

“Gusto ko nga ng lechong paksiw! Masarap dito yun!”

Inirapan niya ako at parang may hinahanap ang mata niya. Then, eventually ay may tinuro siya sa akin. Pagtingin ko dito, isang Mongolian Restaurant ang tinuturo niya.

“There. I wanna eat there.” =___=

“Mahal dun~ Kung dito tayo kakain sa foodcourt, mas makakamura tayo.”

Napa-‘tsk’ nalang siya. “Pag dun tayo kakain, may waiter na mag-aasikaso sa atin. Unlike dito, tayo pa ang kukuha ng kakainin natin.”

Ay. Tamad pala ito eh. -___-

Pinadyak ko ang paa ko sa inis. “Edi dun ka kumain! Dito ako! Magkita nalang tayo ‘pag busog na tayo~ Dyan ka na nga!”

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Nilingon ko naman siya. “Tss… Pasalamat ka naaawa ako sayo. Sa susunod, ako naman ang masusunod.” =___=

Pinanlakihan ko nalang siya ng mata pagkasabi niya nun. Naaawa? In his face. Kaya kong kumain mag-isa uy~ Ang sabihin niya, hindi niya lang ako matiis ^^

Nung pumila na kami sa isang stall, tig-isang tray kaming hawak ni Dustin. Kahit poker face lang siya, nafifeel kong naiirita na siya sa ginagawa naming ito. Hindi kasi niya ako tinitignan eh. Pfft!

“Miss, lechong paksiw po sa akin… 2 cups of rice at diet coke. At leche fan~” Sabi ko dun sa crew tapos in just a matter of minute, nilapag na nila sa tray ko yung inorder ko. “Ikaw mhine, ano ang sayo?”

“Same as yours.” =___=

Nginitian ko siya nang nakakaloko bago ko binalingan ulit yung crew. “Sa kanya raw po, sinigang na Tuna, 2 cups of rice and diet coke… And ube halaya~”

Siniko naman ako ni Dustin kaya tumingin ako sa kanya. He stared sternly at me. Ooohhh… Sanay na ako dyan, dre. “Sabi ko, parehas ng sayo.”

“Gaya-gaya ka.” :P

“Bahala ka, palit tayo mamaya.”

“Luh, ayoko nga!” Sagot ko sa kanya. Narinig kong turn na namin sa pagbayad kaya tinulak ko na paabante yung tray ko pati na rin syempre si Dustin. Nauuna kasi ako sa kanya.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon